No gestational sac
Hello po. Hindi po ba alarming kung Wala papong Makita na gestational sac sa weeks na to,5 Weeks po ako ngayon base sa LMP ko ,sabi naman po nila masyado pa pong maaga. Pero sa ultrasound naman po kanina makapal po ung lining ko(endometrium). Natatakot po Kasi Ako katagal ko pong inantay to. 🥹🙏#pregnancy #AskingAsAMom #Needadvice

I think Maaga pa po Yung 5 weeks, ganun ako sa First Baby ko, Wala din Nakita. advisable po talaga 8 weeks to 10 weeks. para Meron na din pong Heartbeat. ❤️
parang ganito sya sori ninakaw ko lang to sa google. ganyan yung ultrasound ko un lang wala nakitang sac sguro ksi masyadong malabo din ung sonogram ba yun.
Same sakin mi pinabalik ako after 2 weeks nyan pwro may tinake na ako na gamot. Ngayon 20 weeks na po ako heheh
Ganyan po ako during 1st trimester. Duphaston then folic, bed rest talaga. Need talaga alagaan, iwas sa mabibigat na trabaho. Ngayon malapit na pong manganak
5 weeks ko may sac na pero wala pa hb kaya pinabalik ako ng 8 weeks dun palang nakita yung hb
gustuhin ko man bumalik sa OB nextweek. financial probs pa. Hintay pa nang sahod ulit ni mister.
video lang meron ako. Diko pa nakikita kung saan tinago ni mister yung booklet nandun kasi naka lagay yung pic
tinanong ko siya bat nag positive ako, sagot nya may inunan daw pero wala pang makitang baby.
nakaka panghina na nga e. Pero sabi nong friend ko na 2x nagka miscarriage, buti daw nga ako kasi hindi nagbbleeding or spotting. sya may paunti unti then talagang 8weeks palang nawalan ng hearbeat ang baby nya
masyado lang talagang maaga mhie, try mo ulit 10 weeks para sure.😁
medyo nagtaka ako bat may bilog sa may itaas pa
kamusta kana mi?
Try nyo po magwait hanggang 6weeks n po for 2nd ultrasound.
ano kaya tong akin hehe 7w4d na ako. pero bat wala na kita sakin
ang pangit nang OB na napuntahan ko talaga, walang mga explanation na ganyan.. tapos wala dn syang estimated na kong ilang weeks lang talaga naka based lang sya sa LMP na binigay ko.





Mommy of 1 adventurous superhero