Breastfeeding problem

Hello po gusto ko lang po mag share sa inyo Hirap na hirap po ako magkagatas. Bagong silang pa lang si baby 2 days ako bago magkagatas ang onti pa wala pang 1 ounce. Tinry ko na lahat pwede kainin at inumin kahit ang sakit na ng breast ko minsan pinipilit ko pa rin ipasipsip kay baby para lang di siya masanay sa bottle. Yung partner ko wala naman problema lagi niya pa din akong iniincourage, kaso yung parents niya sa tuwing magtatanong kung dumedede pa ba sakin or may gatas ba ako is nalunlungkot ako, na pepressure ako. Ngayon 1 week na si baby tapos 1 ounce palang kaya ng milk ko samatala pag formula 2-3 ounce kaya nya ubusin. Ang sakit lagi kasi feel ko failure ako as mama. Mababait naman yung parents niya kaso nga na pepressure lang talaga ako, minsan napapatulala nalang ako nakatitig sa pinump ko na milk kasi ang onti. Tapos ngayon biglang nag watery ang stool ni baby kinabahan ako, kasi ang dami at sobrang watery. Feel ko kasalanan ko lahat kasi nga di ko siya na bebreast feed ng maayos. Di ako makatulog kasi nag woworry ako kay baby ngayon. Baka may iba din kayo alam na pampagatas, na itry ko na kasi morringga juice and capsule tapos yung mga cookies na pampagatas pati mga gulay at pagkain. Na try ko na din mag power pump ata tawag dun na every 5 mins ng pump switch sa kabilang breast tapos mag rerest ng ilang mins or an hour bago mag pump ulit. Nakakahina talaga ng loob

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

mahina rin ang breastmilk supply ko. after 2 days lumabas. besides malunggay supplement at drinks, unlilatch si baby. as in, nakakabit sia akin. hindi namin sia pinag bottle. hindi ako napressure kung sasabihin man nila na i-bottle dahil pinili namin ni hubby na exclusive breastfeeding atleast 1month. eventually, dumami ang bm supply ko based sa pagpump ko. more water. atleast 2L per day. para mapalitan ung nawalang fluids. kumain din ng sapat. maraming sabaw. nagstart ang mixed feeding nia nung 2months na nia, in preparation sa pagbalik ko sa work. ngaung 2yo sia, mixed feeding pa rin.

Magbasa pa