Parang nakakasawa ng mag expect😭😭😭
Hi po. Gusto ko lang maglabas ng sakit na loob. Magmula nong makunan ako last year May 2022 di na ako ulit na buntis😭 lagi na lang ako nagpapa check up kasam si Mister, kung ano-ano na ininom kong pampa fertile (Clomidine at Letrazole) nagti-take din ako ng Folic Acid, Myra E, at Ascorbic acid. Si mister naman Rogin E. Kaso wala pa rin.. regular naman menstruation ko at gumagamit din pala ako ng ovulation kit para ma sure kung kailan ako fertile. Di rin kami tumitugil sa kaka pray na magbunga na pagmamahalan namin ni mister. Mga mie, baka meron po dito na tulad namin before tapos ngayon na buntis din. Pa share naman po kung ano ang ginawa nyo or ininom nyo para mabuntis? Ps.Pareho po kaming walang bisyo ni mister. 1st baby po sana namin yung nawala samin nong May. Advance Thank you po sa mga makakapag bigay tips samin para mabuntis🙏🫶
hi po, sa amin july 2020 po naipanganak ko pa po ang 1st baby namin pero 2 days lang po namin siya nakasama at kinuha na siya agad ni God, after that hindi ko muna pinressure ang sarili ko na magbuntis ulit. I prayed na if para sa amin ibibigay sa amin. then after 2 years nabuntis po ako😊 3 weeks old na ang baby boy namin ngayon and healthy🥰 Pray lang po palagi mommy, and iwasan po ang stress, wag mo din po pressurin ang sarili mo. Dadating din po ang blessing niyo sa tamang panahon😊
Magbasa pasame po tayo ng case ako din po nakunan sa 1st baby nung 2020 po until now hirap po makabuo pero ldr kc kmi ng mister ko sa ibang bansa lge taz 2months lng lge bkasyon,pra lng makabuo kmi kinuha po ako dito sa ibang bansa 3months n po ako dito wla prin po take din po ako ng fertility supplements pti sya..sna mabiyayaan n kmi ulit..sobrang hirap po nakakastress.pero wag po tayo mwalan ng pgasa sa tamang panahon siguro ipagkakaloob din sa atin ni god yun mgkroon ulit ng baby.🙏🙏🙏
Magbasa paako 3 years nag papagamut kung ano ano ininom ko rin mommy nag pa hilot na rin ako nag take pa ako ng herbal may pcos din po ako monthly ultrasound monthly rin ako umiinom ng pampa itlog nag take pa ako ng collagen after 3 years malaman laman namin hnd lng pala ako may problema pati pala si hubby.. ilang buwan lang po sya nag take ng pamparami ng sperm eh ngayon ka buwanan kona sa tulong narin ng panata namin.. hnd lang po dapat kayo ang nag papa alaga parin rin po dapat hubby nyo
Magbasa paSis advice ko sayo,Don't push it. The more na pinipilit niyo the more na natatagalan. Tulad niyan ramdam ko na stress ka na kakaisip kung ano gagawin. Kalmahan niyo lang sis,do it the natural way. Wag mo madaliin at wag mo istressin sarili mo kase nakakababa din yan ng quality ng egg cell natin. Kalma lang po,darating din po kayo dyan. Basta sundin niyo lang lahat ng payo ng OB mo,umiwas sa bad habits,stay healthy kayo ng mister mo at umiwas sa stress.
Magbasa paMore than the vitamins Mi, try mo din po kumain ng healthier and be more physically active. Ilang months din po kami nagtry ni hubby ko, and after work i tried to have exercise atleast 3x a week. While si husband nagresign sa stressful nyang work lol🤣 Umm also (the first time we tried this, i got pregnant) yung after sex, elevate mo yung back mo for atleast 20mins. Actually di lang elevate ginawa ko .. konti nalang headstand na yun lol oa but no kidding. Goodluck!
Magbasa pamay mga proofs about sa fern D vit na nagtetake daw sila para possible mkabuo Ng baby. share ko lng dis march18 umuwi hubby ko from Abu Dhabi 3yrs kmi apart.nanganak ako Dito last 2020 sa first born ko..march19 niregla ako that was my last Kasi ndi na ko dinatnan..and happily buntis ako mag 9weeks na..Bago sya umuwi lagi daw sya kumakain Ng almonds..at ung Wellman n supplements with gensing.. bka effective din sa inyo.
Magbasa pawag po mawalan ng pag-asa, gnyan din kmi before 7yrs waiting, kung ano-ano na din sinubakan vitamins at herbal pra mabuntis. nakunan ako sa first baby namin ng dec 2021, january 2022 nabuntis uli ako sa rainbow baby namin. turning 9mos old na baby namin. surrender all your worries to God. pag will po ni God nothing is impossible. in God'a perfect time po. kaya wag po mawalan ng pag-asa especially yong faith kay God
Magbasa paHealthy living at pray lang po, ibibigay yan ng Panginoon, darating po yun ng kusa pag will niya. 11 years old na first baby ko, at ngayon lang ulit nabuntis. wala naman akong pinahid at ginamit para magkakaanak ulit kami. Healthy living, no more alak kahit konti, more gulay fruits at fish kami, at lagi akong nag-eexercise s bahay at every weekend nag wawalking kami buong family,every sunday simba.
Magbasa paSame momsh. Nakunan ako sa first baby ko year 2018. Actually mag 7 months na dapat sya that time. Tagal din naming nagtry ulit, til year 2022 binigyan ako ni Lord ng panibagong blessing. Ang masasabi ko lang, be patient momsh, it'll take time. Siguro may mas better plan si Lord. Basta healthy balance diet lang. IWASAN ANG PUYAT AT STRESS kase jan ako nahirapan noon. At pacheck din sa OB.
Magbasa paTry nyo po watch video ni Nurse Sarami sa youtube, massage Castor oil sa puson with warm compress, pahilot para maitaas matris, Try Leginsol E vitamins with ginseng kau po ni Mister,( 10days bago mag do yan ang prescribed ni OB)... those things po gawa ku after ku nakunan, ngaun 2years old na baby ku and pregnant na ulit with twins. Pray lang po and Patience🙏❤️
Magbasa pa