#respectpost

hello po, goodeve! pwede po ba mag tanong? magkano po nagastos n'yo sa panganganak? salamat.

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wala pong babayaran if sa govt hospital po manganganak under a resident doctor. hingi lamang po ng assistance sa Medical Social Service ng hospital, pwede po sila magbigay ng libreng philhealth na ang twag ay Point of Service. wag lamang po lumipat sa private doctor and room pra hnd po ma cancel. I'm a Medical Social Worker po.

Magbasa pa
2y ago

yes mi. gnun po pag sa govt hospital.

0 balance po (Public Hospital) pero malaki po nagastos ko sa meds kasi induced labor then ending ECS, almost 12k din nailabas as cash kasama na food and sa NICU ni Baby. I suggest, mag public ka na lang kung hindi naman maarte na nasa ward. Downside, medyo mainit talaga kasi sa amin, EFan lang tapos 10 beds.

Magbasa pa

Nako ako gustohin ko man mag public hospital pra less expense, pro husband ko gusto mgprivate pra iwas hassle if evr my complications. Nwalan na ho kasi sila ng Hipag habang nanganak. Anyways we pray na magiging okay at safe tayo sa panga2nak..

0 zero balance din po sa public hospital dito sa probinsya Dahl sa government at philhealth na rn po...ginastos lng Namin pagkain at birth certificate ni bb... sagot din nila mga vaccine ni bb and NB screening....😊

Hospital bill 0 kasi complete ko po ang contribution sa Philhealth bago nanganak, district public hospital po ako nanganak philhealth accredited,normal delivery. Kaya ang nagastos lang namin ay noong bumili na ng resetang gamot

0(ZERO) po, wala ako binayaran kahit na centavo except sa mga gamot at needs ko at ni Baby. Philhealth at Yung mga pweding hingan ng tulong sa gobyerno lang ang sagot. Btw Public Hospital po ako nanganak.

160k private hospital cs hnd pa kasama ky baby pero meron naman Mas mura sis lying in or public hospital wla Naman Ata babayaran or Mas mura tlga bawas na philhealth ko Don sa baby ko nsa 15k bill nya

108k private room 5days and emergency CS. 55k lang sana kung kinaya inormal. di pa kasama newborn screening since di pa available sa kanila. bagong private hospital pa lang kase sya.

Normal delivery po ako gov’t hospital..149 pesos lang bill namin ng baby ko..basta my health klang..sagot din nila vaccine and nb screening.

140k po sa VRP. normal delivery may gestational.diabetes po kaya hindi nakapag avail ng package nila which is nsa 80k ata yun.