1 Replies

VIP Member

"According po kay Dr. Gel Maala from our #AskDok live chat session po natin: Ang official stand ng PIDSP(Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines), ay wag idelay ang bakuna ng bata dahil ang mga ito ay makakapagbigay ng proteksyon sa mga sakit na kaya iwasan gamit ng mga bakuna. Ngunit sa panahon ngayon ng community quarantine, naiintindihan ko po na mahirap iyon gawin. Maari po kayo magtanong sa health center malapit sa inyo tungkol sa services ng bakuna or makipagugnayan sa private pedia kung san pwede dalhin si baby. Maige din po na kumain ng masustansya ang buong pamilya upang wag magkaroon ng sakit at manatiling malusog. Kung nanaiisin naman ipagpaliban ang bakuna, maari din naman. Pwedeng habulin ang ilan sa mga bakuna o catch-up immunization, maliban sa rotavirus na hanggang 8 months lamang binibigay. Importante din po ang pagpapadede, dagdag na proteksyon ito ni baby sa mga sakit."

Thank you po! Nakapag decide po kami kanina na magpa vaccine. Sa open court na din yung vaccination at kahit madami nagpa vaccine thankful na din ako kasi nag so-social distancing ang mga tao.

Trending na Tanong