Can't sleep well.
Hi po, first time preggy po ako. Ika-25 week ko na po, at mula nang pumasok ang 5mos nagsimula ko na pong maramdaman paggalaw ni baby. super likot niya at nagugulat po ako madalas at nakikiliti.. Masaya naman po ako kaso nagsisimula na rin po problema ko sa pagtulog lalo sa gabi, katulad po ngaun mag 1am na kahit ramdam ko na po antok ay di pa rin po ako makatulog kasi sa mga ganitong oras din po ay panay pa rin ang likot niya tas magugutom at kakain pa ko pero minsan dinedeadma ko na kasi natatamad na po akong bumangon at gusto ko nang matulog. Nag-aalala po ako, hindi po ba masama na kulang ako sa tulog? Hays.. di rin naman po ako makatulog sa hapon e bakasyon at bahay lang po talaga ako ngaun.