Puro nalang ML si Mister

Hello po, first time mom po ako. Gusto ko lang sana humingi ng advise or makuha opinyon nyo sa sitwasyon ko. Since nakilala ko po yung lip ko, gamer na talaga sya. Infact sa isang gaming app kami nagkakilala. Simula po nabuntis ako at inuwi nya ako sa kanila, tahimik na po akong umiiyak sa gabi dahil minsan madaling araw nya na ako uwian dahil sa kakalaro nila ng barkada nya ng ml. Kahit po kasi nakatira kami kasama magulang nya, iba pa din na anjan sya anytime kailangan ko. May time pa na sumama nako sakanya para lang mapilitan sya umuwi ng maaga pero ang nangyari, alas os ng madaling araw na kami nakauwi. 6months preggy ako nun, di nako nakapaghapunan at inom ng vitamins. Worst, after a week muntik na ako makunan. November 2019 yan nangyari, at ito pa, January the following year luluwas sya ng Cainta kasama barkada iniwan ako sa bahay. Sa sobrang sama ng loob ko nun grabe ang iyak ko to the point na namimilipit na din ako sa sakit ng tiyan ko. Ang sakit sakit po isipin na ganun. Nakakaya nya akong iwan sa kabila ng sitwasyon ko. Bilang lip nya, never din ako nakakahawak ng sahod nya. Since my work pako nun di ako nagrereklamo kasi nahihiya po ako magdemand. Lahat ng check ups, meds and baby needs ako bumili. One time nanghingi ako sakanya 500 para pandagdag. Ever since iisa ang isa ng away namin. Yung wala na syang time samin ng anak nya dahil pag uwi from work bihis lang sya lalabas bibili ng alak, tapos tuloy tuloy na ang laro. Pag di tawaging kakain wala paki. Pag aantayin ko sya magugutom ako. Ngayon po, pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Yung tipong halos ayaw ko na sya makita. Nasasaktan lang po kasi ako. Pag kasi nagrereklamo ako sakanya sasabihin nya yun nalang libangan nya ipagbabawal ko pa. Di ko pinagbabawal, yung sakin lang balance sana. Eh halos di na po.kami nakakapag usap. Kaya po gustong gusto ko na makipaghiwalay kahit ayaw nya. Nagsabi nako sa mama nya. Uuwi na na kami ng anak ko sa pamilya ko. Yung mama pa nya nakiusap sakin na bigyan sya ng last chance. Sya di ako kinakausap. Avoiding the topic ganun... Minsan po talaga, darating tayo sa point na mapapagod at susuko nalang. Swerte ako sa inlaws ko kasi mababait sila. Pero diko na talaga kaya. Minsan naghahanap na po ako ng ibang pwedeng makausap. Kasi ang sakit sakit yung pakiramdam na binabalewala.

18 Replies

if leaving him would make you at ease, would make you happy, would make you stress free, then do it. just leave him. wag tayong magstay sa toxic na tao. kasi pag nagstay pa tayo, tayo rin mahihirapan. especially yung anak mo, kawawa naman. umuwi na lang kayo sa inyo tutal parang wala ka lang naman sa kanya. binuntis buntis ka tapos parang tapos na obligasyon niya sa inyo. parang nagpakasarap lang saglit tapos sayo na lahat ng hirap. ayos din. gamer din lip ko. nung mga first month ng baby ko, halos puro laro lang din ginagawa niya. nagtatampo ako sa kanya. ayun pa yung mga time na di pa ko nagsasabi sa kanya. di ako nagrereklamo. sinasarili ko lang. but it came to the point na hindi ko na kinaya. vinoice out ko sa kanya lahat. na ganto siya na ganyan siya. we understood each other. pero may times na nakakalimutan niya yung pinag usapan namin so i need to remind him. ngayon, okay naman na set up namin. pag may sinabi ako, gagawin niya na though sometimes, sinasabi pa rin niya na "mamaya na" hanggang sa makalimutan. pero most of the time naman, ginagawa niya lahat ng inuutos ko. yang LIP mo, hindi pa sawa sa pagkabinata. akala niya ata wala siyang anak. wag mo ng hintayin matauhan yan. he doesn't deserve you nor his child. ang mahalaga po yung bata. alagaan mo ng mabuti yan mamsh. pakatatag ka lang. God is always beside you. godbless po :)

Naranasan ko din po yan kahit di gamer asawa ko… sia kse ung tipo na parang walang nakikita, napapansin, d man lang makaramdam na kailangn mo sya sa tabi nia. wala nman sia gngwa pagdating sa bahay pero kapag humingi ka ng onting tulong nakasimangot na agad sya… feeling ko nun mag isa lang akong inaasikaso anak nmin. that time baby kopo 4-6 months old palang sia I'm so stressed. I have a bad mood always when he was around. To the point na para nako madedepressed basta po napahirap intindihin ng ugali ni mister. lagi lng nila sinsabi sa akin na tignan kona lang anak nmin para ma stress-free ako… always think possitive. Don't mind ur husband. yaan ko daw gawin mga gusto kahit di na nia ako natutulungan. focus nlng ako sa baby nmin worth it nman po pagdedma ko s kanya… kusa rin sia nagbago ngaun madalang na kami magtalo/mag away… kapag masama loob ko nakikipag laro lang ako sa baby nmin then ok na lahat.. PS: GUSTONG GUSTO KONA PO SIA HIWALAYAN. PERO DAHIL SA ANAK NMIN NAAALALA KO YUNG UNANG ARAW NA BUMUO KAMI NG PAMILYA😊..

May ex bf ganyan din.. sobrang adik SA ml. Hindi ko Kaya. nakipaghiwalay ako SA Kanya. nakikita ko na agad magiging araw araw ko SA kanya if ever makatuluyan ko siya.. late Siya matulog... late kakain..late gising... kumakain nag ccp pa rin. I don't wanna spend the rest of my life SA ganung Tao... Di marunong magbalance SA buhay. nakakaumay.. Ngayon.. happily married na ako.. gamer din nmn husband ko pero priority Niya tlaga Kami.. tinuruan pa Nga Niya ako... Kaya Dati Di nako nagrereklamo.. Kasi nakakaadik nga nmn...pero tingil ko na Rin... sobrang responsible Naman Ng husband ko..wala ako masabi... Siya pa naglaba ngayon.. kasi sobrang selan ko magbuntis😔😔 pag uwi Niya SA work. lambing pa muna Yan.. tas lalaro Lang Siya Jan saglit SA tabi Ng bahay namin... uuwi na after.. Hayaan mo Yan mamsh.. nakakasama Lang Ng loob Yan... Hindi Niya kayo iniisip.. nalilipasan na kayo Ng gutom ni baby... Baka mapano Ka pa Jan... uwi ka na LNG SA parents mo..

same case po tayo...ganyang ganyan din lip ko nun, may anak kami isa, sumuko ako sa ganun sitwasyon, ayoko ng ganun na may partner kang naturingan pero parang wala din.. mag 2yrs baby nmin nun, nakipaghiwalay ako ndi direct kasi sa mga biyenan ko ako nagsabi..masakit kasi syempre minahal ko sya, pero i need to think of my future and my baby.. nung una, dinadalaw dalaw nia kami sa mga tyahin ko kc dun kami lumipat ng baby ko, hanggang sa wala na talagang pag asa smin, di na kami nagpansinan, pero yung anak nia hinihiram hiram nila.. yun ngaun, may asawa na ko iba at kasal na ko sa asawa ko.. now lang ako magkaka anak ulit, first baby ng asawa ko.. happy na ako now sa asawa ko, 7yrs na kami at now lang magkakababy.. yung first born ko, every weekends nauwi sya sa daddy nia sa pakiusap din ng mga inlaws ko nun..now ok na ang lahat samin, ok kami ng ex ko for our child, at masaya na ko now sa asawa ko na tanggap ang lahat skin..😍😍😍

Hindi na libangan yan kundi Addiction. Sa ngayon iwan mo muna para marealize nya lahat ng mali nya. Hndi naman pwd yung inuuna nya pag aadik nya kesa sa inyong dalawa ng anak mo. Isipin mo nlng din babh niyo if ever di mo iiwanan yan kawawa dn kayo. Hayaan mo muna marealize mga pagkukulang niya. Yung partner ko gamer din ang dami niyang nilalarong games pero may limit naman. Prehas kaming gamer and sa laro din kami nagkakilala pero alam niya na ngayon priorities nya. Dati panay inom din pero snsbhan ko kung gusto nya mabuhay ng matagal at maksama pa ng matagal anak niya itigil na nya ung pag iinom nya ngayon tumigil naman na occasionally nlng umiinom. Sa laro naman naglalaan lng sya nv mga 2 hrs sa isang araw para mglaro pnapayagan ko naman tas after non mga obligasyon na nya ung gagawin niya.

ganyan din yung partner ko ngayon puro laro siya kesyo yun nalang daq libangan niya eh di ko naman pinagbabawalan ang sa akin lang eh wala na siyang time sakin. mas marami pa nga siyang time sa pag ml kesa magkausap kami eh. ldr kasi kami. hindi pa naman ako nanganganak 4 months palang pero sinabi ko sa kanya na ayaw ko dumating sa point na puro laro ka nalang. yung tipong baka pag umiyak yung anak mo tapos ako natutulog eh gigisingin mo pa kahit alam mong pagod na pagod na ako magbantay kasi ayaw mo lang ma afk sa ml. eh sabi naman niya hindi pero hindi ko rin sure basta sobrang adik. kahit pag nandito siya sa bahay puro laro minsan nakakatulog nalang ako kakahintay sa kanya pag gising ko naglalaro pa rin. nakakainis

ganyan talaga kapag medyo bagets pa ung Lip . Yung tipong d pa nila tanggap lahat. Yung tipong d pa nila alam gagawin nila for now .Hayaan mo nalang at least sinabi mo yung side mo. Alam ko mahirap dahil naranasan ko yan! halos mag suicide na ako in a way para lang pansinin niya or to get his attention na " Oy, magkakaBaby na pala ako " . but , darating talaga tayo sa point na PAGOD KA NA! in that case meaning, Nag fffade na yung FEELINGs mo sa partner mo. Ikaw ang nagmamahal sa ngayon pero trust me, pag andyan na si baby? Siya naman magmamahal Sayo pero HULI NA! kase wala ka ng NARARAMDAMAN sa kanya! 👌

Iwan mo siya pansamantala. Umuwi ka sainyo at wag ka mag salita ng kahit ano. para mas marealize niya kapag wala kana sa tabi niya. kase may mga lalake na the more mo bungangaan mas lalo sila kumakawala. kaya pag nasanay na siya na ganun. iignore ka nalang tlga. try mo kahit masama loob mo wag mo kausapin. tahimik ka lang.. maninibago yan. magtataka inshort bakit bigla nagbago. hanggat di mo pinaparealize saknya at alam niya di mo kayang umalis saknya. hindi magbabago basta yan.

Agree ako sa point na, pag napagod tayo, kahit ano pang gawin nila ayaw na. Base din po yan sa mga experience ko. Wala din naman sense na magstay ka pa sa poder niya kasi base sa kwento mo momsh, wala siyang pakialam. Parang binigyan ka talaga niya ng dahilan para sumuko na. Nakakalungkot dahil ganyan ka niya kung ituring. Pakatatag ka momsh. Laban lang. Yaan mo na siyang asawahin ang game tutal yun naman ang pinapakita at pinararamdam niya sayo. God bless momsh😇

Momy mag usap kayo. Ipaintindi mo sa kanya na hindi na pwede yang ganyang para siyang binata. Sana pala if di pa siya handa, kung ML is life pala, sana di ka niya binuntis. Ang asawa mo ngayon lang ata kasi nalulong sa ganyan kaya mas mahirap patigilin o sawayin. Kumbaga, bata pa siya sa gaming. Kami ng asawa ko gamer kami parehas at sa totoo lang, pinalipas namin ung ganyang stage namin bago kami nag anak.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles