35w4d Pregnant

hello po. diko na alam gagawin ko hays. kung ano ba dapat. natatakot ako sa mga sinasabi ni ob at mga nakakasabayan ko magpacheck up. pwede kasi tumigil heartbeat pala ni baby habang papalapit na ang paglabas nya. dahil sa diabetes ko. kaya ngayon palang naglalakad lakad nako kahit wala pako 37 mas gustuhin ko kasi manganak na kaysa matigil heart beat nya. diko alam kong tama ba tong instinct ko o desisyon ko. pero sana sakto 37 mailabas kona sya. iba kasi sinasabi wag pa muna kasi baka ma nicu si baby naguguluhan nako dikona alam gagawin ko😔

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po sabi sa akin, tapos nung manganganak ako tinakot pa kami sa ospital (public lang kasi kami gawa ng di namin kaya magprivate) sabi baka ma CS ako kasi may chance daw na baka di pantay yung balikat ni baby, baka daw malaki yung isa at mahirapan ilabas gusto pa sana ako ipalipat sa ibang ospital sa private gawa ng by sched ang cs sa public ospital na yun pero nainormal ko naman tapos normal naman na si baby medyo malaki nga lang sya pero ang timbang nya 3.2kg lang pero malaki sya. Nag iinsulin pa ako nun gawa ng mataas ang blood sugar ko may endo Doctor pa ako nun na nagchecheck sa blood sugar ko pero nainormal at healthy naman si baby 2weeks na sya ngayon. Kaya pa po yan kailangan lang po bawas sa kanin at more on gulay at iwas sa matataas ang sugar kahit sa prutas dapat hinay-hinay lang. Saka di rin ako mahilig maglakad lakad noon naggagawa lang ako ng gawaing bahay tapos more on tulog gawa ng sabi wag daw ako magpakapagod baka mahirapan manganak kaya nung nanganak ako mabilis lang ako naglabor at nanganak.

Magbasa pa

Wag po kayo masyadong mag isip. May reason si Lord kung bakit sa ibang tao yung baby nila is minsang pinahiram lang. I'm a miscarriage mom on my first child, no hb at 7 weeks, walang kahit na anong symptoms. Wala akong kahit na anong sakit. I'm healthy. No bleeding din that time. But now I have my second baby na super masiyahin, malusog and going 7 months old na. I also have worries specially galing ka sa kunan. Grabe din ako magpacheck up, magpaER kapag may kakaiba. But then, stress will not help you. Pray. Claimed it na everything will be okay. Naniniwala ako na kung para sayo, para sayo. At lalabas si Baby kung kelan nya gusto. Seryoso. Di ako masyadong tagtag. I started walking by 36 weeks. Stopped by 38 weeks kasi ayaw padin lumabas, sa bahay nalang ako nag iikot ikot, naggagawa ng gawaing bahay. Higa higa pag ayoko kumilos, lumabas naman si baby at 39w6d. Ang importante ngayon, wag ka pastress po. Need mo ng energy pag nanganak sis. Kausapin mo lang si Baby lagi. 😊

Magbasa pa

hi po mommy. nag gestational diabetic din po ako. at 37weeks and 4 days, pina sched na ko ng OB ko for normal induce, more than 30hrs po ako naglabor, ang tagal bumaba ni baby, at tuwing my contractions ako, nag pa-flat heartbeat nya. ginawa ko, squat ako ng squat hanggang by 5cm going 6cm pumutok na yung tubig, madaling araw nailabas ko nmn si baby ng normal, and hindi din sya naging diabetic. maliit din sya, 2.5 lang. nag insulin din kasi ako for 4months. pray lang po ng pray. wag magpadala sa takot. :) magdala ka po ng Lord of pardon na booklet, baunin mo sa labor and delivery room. basahin mo ng paulit2x po :) FYI, before ni baby, nagkaroon din po ako ng dalwang miscarriage. ngayon mag 11months na baby ko, maliit pero very healthy po :) God bless and Good luck po :)

Magbasa pa

Una, momshie kaysa mag alala po kayo Manalangin po kayo sa DIOS siya unang takbuhan po natin at siya ang bahala gumabay sa doctor, 2nd, madami pong momshie ang may kondisyon na kagaya mo po prone po karamihan sa diabetis kpag nag bubuntis kagaya ko po, pero Awa ng DIOS nairaos po nya kami, lakas ng loob at tiwala sa DIOS. 3rd tiwala po sa OB at mga doctors na hahawak po sa inyo, lastly, sundin po natin sila lalo sa pag didisiplina sa pagkain sa dapat gawin, mag less carbs and sugar po muna tapos nood po kayo ng mga excerse sa youtube para sa mga momshie na malapit na manganak. kaya niyo po yan, may Awa ang DIOS ♡

Magbasa pa
VIP Member

Mi ano po ginagawa nyo para mamanage yung diabetes nyo? Totoo po kasi na possible mag stop heartbeat at any point ng pregnancy if may diabetes. Sa baby ko 18wks nakunan na ko. Kaya sa 2nd pregnancy ko, nag manage agad kami. Insulin at super diet ako. Wala akong takot non kasi nacontrol naman sugar ko. 37wks pwede na yan, di na maincubator. If you're really worried, pwede ka na din naman pa cs agad pagka 37wks mo. Ganon sana plan ko non. Pero nanganak na din talaga agad ako ng 37wks.

Magbasa pa

Mom tatagan mo ang loob mo kahit ano pa sabihin ng kahit na sino kay God ka magtiwala keep praying lang kasi the more na nasstress ka ramdam din yan ng baby mo. tatagan mo loob mo king manganak ka man within 35weeks to 37weeks safe at mas mataas ang chance magsurvive si baby mo wag ka masyado mapaapekto sa sinasabi nila wala nman nakakaalam kindi si Hod kung ano talaga ang kalalabasan basta magtiwala ka saknya be positive mami❣️

Magbasa pa

Think positive po, ako gdm sa 2 babies ko, 39&42 yrs old ako ng pinanganak ko cla, nag diet ako and ilang beses sa isang araw mag check ng blood sugar pero nailabas ko ang mga anak ko ng 39 & 38/4 days OK naman cla.. Ako din nung una na stress nung malaman ko na gdm ako super iyak pa ako pero nasa sa atin na po kung paano natin alagaan ang sarili natin para sa mga babies natin,

Magbasa pa

ganyan din po ako nun 35 weeks sinabihan ako ganyan.. binaliwala ko lng minonitor ko na lng sugar ko.. and ayun nailabas ko nmn ng maayos malusog 3kilos sya.. wala nmn problema sakto sa duedate din lumabas.. wag ka masyado mag paka stress ndi gusto ng baby yan sa loob siguro healthy foods na lng muna iwas sa diabetic foods monitor mo din sugar mo..

Magbasa pa

nako sis totoo delikado po may diabetes di lang kay baby pati sayo during delivery. mag dala na din po extra cash kung sakali may mga operations na need gawin sayo. alam ko di basta basta nag oopera ng may diabetes na mataas blood sugar. ganun kasi sa hipag ko.

Marami kasi negative vibes kapag buntis tayo kahit okay pa naman hindi pa naman risky... Grabe Iyong Iba ma's lalo ka Pang Ididiin kapag alam nilang natatakot ka hayyyssst manalig lang po sa Panginoon para maging okay ang lahat 🙏🙏🙏🙏🙏🙏