Panhingi po nang advice.

Hello po, di ko po alam kung san mag sisimula pero isa po akong mommy. Na emergency CS po ako, sabi nang doctor ko nung malapit na ako manganak mag nonormal delivery po ako. Tas nung nag le-labor na po ako kahit 6 cm na ako eninduce po ako nang ob ko. Masakit po tyan ko yung pinipilit talaga umiri hindi na po ako makapagpahinga sa sakit at nahihirapan na din po ako huminga tas pagka tapos po nag decide yung ob ko na e emergency cs nila ako kasi yung heartbeat ni baby bumaba na nag 40 nalang po. So ayun po na cs talaga ako, double po sakit naramdaman ko kasi nag labor po ako nang ilang oras tapos na cs po ako ako, muntik na po si baby nag fatal destress po sya. Pag labas po niya hindi ko po nakita at nahawakan baby ko kasi sinugod agad dun sa nicu hanggang apat na araw hindi ko po nakita si baby, pero thank god okay naman po siya wala naman po komplekasyon. Yung problema ko lang po kasi kahit mag 3 months na andun pa din yung trauma naranasan ko. Tsaka umiiyak ako minsan di ko po alam kung ano iniiyakan ko. Feeling ko po ang lungkot2 ko. Ayaw ko naman din mag share sa asawa ko kasi kahit andami ko nang sakit parang feeling nya nag iinarte lang ako. Kahit pagod ako puyat kaka alaga kay baby. Kahit nahihirapan po na po ako nag cecelphone lang asawa ko nag lalaro lang sa cp nya. Nag titimpi nalang po ako, pero yung timpi ko po para na po akong sasabog. Ano po gagawin ko? Minsan po nakatulala nalang ako. Sana po wag kayu manghusga sakin. Kailangan ko lang talaga advice

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

You're experiencing post-partum depression and at the same time frustrated ka sa Mister mo. Hndi madali ang pinagdaanan natin mula sa pagbubuntis, panganganak at ngayong pag aalaga ng anak. Ang pinaka nakaka stress pa yung pag aalaga ng newborn kasi ibang level talaga ang stress. Yung hndi mo mapatahan, puyat at pagod talaga. Dapat ipaintindi mo sa Mister mo yung mga kalagayan mo. Kayo lang din naman po ang magtutulungan.

Magbasa pa
Post reply imageGIF
VIP Member

Ganyan din po naranasan ko, 12 hrs akong naglabor pero na cs pa din ako kasi bumababa ung heartbeat ni baby. Normal po makaramdam ng postpartum depression, need nyo po support from your family. Kausapin mo po ung asawa mo na u need help. Also, pray po always.