Weak Positive ♥

Hello po, Delay na po ang mens ko ng 1week. dahil gusto ko na din pong magka-baby nag Pregnancy test po ako last June 12, ang lumabas po sa results ay faint line po yung mga lines. (bale 2 pt po ginamit ko para sure) June 13, nag pa OB na po ako at sabe po ni doctora ay weak positive pa daw po dahil maaga pa. Isinuggest nalang po niya na uminom ng vitamin, pampakapit at maternal milk at todong rest and bumalik nalang po ako sa June 20 para macheck if may baby na po ako. Paano po ba malalaman if mataas po ang chance na magka-baby ako even po na weak positive? Salamat po!

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan po talaga basta may 2 guhit po pregnant na po kayo. Faint palang din kc too early pa. Pero important pa ultrasound po kayo to determine if asa uterus ang baby at hindi ectopic o asa labas ng matres.

5y ago

Maraming salamat sis!!!! ❣️

VIP Member

positive na po yan one week palang po kasi ganyan din po yung friend ko malabong lines pinabalik din siya ng ob niya buntis po kayo congrats po

5y ago

Maraming salamat sis! Napasaya ako ng sobra ❣️