33 Replies

saaken po momsh 6weeks and two days ako nagpa ultrasound sabi ng ob ko kelngan nmin iready ang aming sarili minsan bubuo minsan hinde .wala kasing nakitang embryo pa sa ultrasound.nakakastress ang ob ko after two weeks balik again for another pero this tym transv na..goodluck saaken sa friday..at frst stressful kapag sabihn sayo ng ob mo ganun hinde helpful sana man lang encorgement ang sabihin pero nararamdaman ko ang pitik ni baby.kaya magtiwala tayo sa plano ng dyos para saatin at mgpray po😊

ganyan dn po nung 6weeks ko wala pa.. then gnwa ko ung 2weeks bago bmlik kay ob ko.. kumaen ako tlga ng masusustansya pra madevelop c baby.. iwasan lahat ng bawal.. kc ngdedevelop ung baby kya wag muna magpasaway..

Positive pregnancy test na noh? Try mo wait ng 2 weeks at pacheck mo uli. Minsan kasi baka late ka lang nagovulate at maaga ka pa than predicted. Early weeks kasi literal na tuldok lang yan sa laki. So pag hinde magaling nag ultrasound baka hinde makita. Pero ako kasi 6 weeks 2 days meron na baby at heartbeat pero alam na alam ko kasi kelan ako nagovulate kaya medyo accurate ung sakin. As long as wala bleeding at positive pregnancy test try not to worry. Baka maaga pa lang talaga.

ganyan din akin mommy. estimated ko 5 weeks na ako based sa last mens ko. wala din nakita sa ultrasound ko. after 2 weeks meron na.

Sakin po 5w6d. Nakita na po na may embryo with hb via tvs pero pinabalik padin ako after 2 weeks kasi para makita if lalakas pa hb ni baby. But then iba iba tayo kasi pwedeng nalate po yung sneo. Wag nyo po kakalimutan uminom ng folic acid. No stress. No negative thoughts. Balik po kayo after 2-3 weeks ulit sa OB nyo for another tvs or kung anong advice ng OB. Minsan po talaga may maaga, minsan po meron late. Pray lang po kayo Miiii. Meron po talagang late lang na dedevelop si baby.

TapFluencer

hi Mommy! ako po noon nagpa check up na 4w, 2d palang. wala pa makita. (too early) pinabalik ako after 2 weeks, then TVS po. pagbalik ko 5w, 5d na wala pa po syang heartbeat noon, Mommy. then nag suggest ulit si OB na repeat TVS after 2 weeks, and voila, 7w 1d ba with heartbeat na po. wait wait lang Mommy. sabayan mo po ng rest, kain fruits and gulay. sundin lang po sabi ni OB. God bless, Mommy! 😍

6 weeks and 1 day may yolk sac na and heartbeat sakin si baby thru pelvic ultrasound usually sabi nila it takes 8 weeks bago makita clearly si baby and heartbeat and nasa pwestuhan din yan ni baby kaya wait more weeks mommshie tas pa ultra sound ka ulit and hopefully makita na si baby mo

Di po ako nag spotting kaya nga po di ko rin agad nlaman na preggy ako basta po delayed na ako at naging sensitive na po yung pang amoy.

momie baka po mali lang yung bilang at hindi rin po nagbabase at nag tutugma depende padin sa baby mo kung kelan sya lalaki iwait mo pa po ng ilang weeks 3 days delay ako ganyan din sakin thick Endometrium sabi ng ob ko nangangapal palang ibig sabihin nag reready pa po iwait nyo nalang po

5 weeks ako nagpa-ultrasound may nakita naman ng yolk sac pero wala embryo pa. I went back yesterday since 7 weeks na and may heartbeat na sya :) embryo na sya. better you go to high risk pregnancy OB kasi may hemorrhagic cyst ka din. I also have prob with my ovaries

Naipaliwanag po ba yung hemorrhagic cyst na nakita sa left ovary? May iba rin po kasing reason bakit nagpa-positive sa PT bukod sa pregnancy. Sakin po 6 weeks may nakitang gestational sac at yolk sac. Pero posible rin po na maaga pa dahil late kayo nag-ovulate.

Ako sis kung i base ko sa lmp ko, 8 weeks nko sa first tvs kaso thick endo lng din nakita. Kaya nag wait ako ng 1month and dun lng nakita baby ko na going to 9 weeks with hb. Bali na delay po ako ng 1 month or late conception. Regular menstruations naman ako.

first ultrasound ko at 6 weeks. gestational sac lang ang nakita. pinabalik ako after 2 weeks, may heartbeat na si baby. 😃 at first i thought blighted ovum, super worried ako. maagap OB ko, pinagamit ako intravaginal pampakapit.

Trending na Tanong

Related Articles