Be strong mommy, dadaan talaga ang relasyon ng magasawa kung saan gugustuhin ng sumuko at mawala na lang bigla. But you have to be strong, kilala nyo ang partner nyo baka nasabi nya lang out of anger. Kung tototohanin nya naman, hayaan nyo lang po muna sya, baka nahihirapan din sa sitwasyon ninyo. Palamigin nyo muna ang sitwasyon at saka kayo magusap ng maayos, talk your hearts out kung ano ang nararamdaman nyo. I believe you will fix your issues mommy, nasa atin kung gusto pa nating maayos o hindi na. Also keep your sanity, wag po kayo magpadala sa negativity lalo pagdating kay baby, he's 1month old pa lang he has more to grow, at habang palaki sya ipaparamdam nya sa inyo ni hubby mo kung gaano nya kayo kamahal. Magiiba po ang sitwasyon pag nalalaro at nakikipagkulitan na sa inyo ang anak nyo, so be strong now. You can do it mommy, you're stronger than what you think. 😉