Second Pregnancy 😇

Hello! po ask lang po sa second time mom dyan totoo po ba na mas mabilis nalang po ba manganak or lumabas si baby kapag second baby na Ang lalabas satin? Ang tinagal po bago ako mag buntis ay mag 4 years din Ang gap. Ang Panganay ko po is mag turning 4 Years old this November. Salamat po sa makakasagot sensya na medjo nag overthink lang po ako. Kinakabahan lang ulit manganak.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Depende po sainyo yan. Pero this time,kay 2nd baby is marunong ka ng umiri. Kaya siguro naten nasasabi na mas madali ng manganak. Ako po 4th pregnancy ko na ito pero yung unang 3 hirap na hirap parin po ako,ang natutunan ko lang is paano umiri ng maayos at kung anong feeling kapag talagang palabas na.Yung labor pains ko,ganon parin sa panganay.

Magbasa pa

1st baby ko 11hrs labor..2nd baby ko 2hrs labor ,walking at squatting ginawa ko s 2nd pregnancy ko kaya ata mabilis lumabas ..6yrs ang gap..4"11 lang Po hieght ko 1st born 3.6kls and 2nd born ko 3.5kls.

ako 6yrs ang gap nila ngayon ay 26weeks ako sa 2nd baby ko pero sabi 37weeks fullterm na daw yun kaya laking gulat ko na pwede na palang manganak ng 37weeks

9mo ago

37w3d lang ako sa panganay ko ng manganak ako

Mas nahirapan ako sa pangalawa po, siguro kasi mas malaki sya, 4kls. Tapos 9 years ang gap nila ng eldest

ff