Halos 2 weeks natigil sa pag inom ng daphne pills
Hi po, ask lang po regarding sa pagtake ng pills. Nanganak ako last Feb 7. Then nagkaregla ako last Apr 5. Nagtake ako ng daphne pills after 3 days ng mens ko. After 2 weeks nagkaroon ulit ako ng bleeding. Then nung naubos na yung 1st pakete ng pills ko, natigil ko ng 2 weeks kasi kala ko aantayin ulit pagnakaregla na. Tapos nag do kami ng asawa ko nung May 10. Ang problema ko is dati kasi mixed feeding kami kay baby pero nung Apr 25 halos exclusively BF ko na sya. Kaya nahihirapan ako kakaisip kung may chance na mabuntis ako o hindi. Ang hirap kasi makabili ngayon ng pills dahil sa lockdown. Pero kakabili ko lang ulit then nagstart ako uminom ng pills kagabi lang May 11 dahil sa takot ko na rin. May chance po kaya mabuntis ako?