Philhealth Maternity Benefits

Hello po! Ask lang po ako kung magkano po babayaran sa philhealth if mag aavail ako ng maternity benefit this october 2023. Dati na akong member di na updated ang hulog tapos nung last 2021 nagamit ko yung philhealth ko as indigent member kasi unemployed kami parehas mag asawa. Ngayon di ko na alam kung pano ko maaavail yung maternity benefits sa philhealth. Unemployed parin ako pero yung asawa ko employed naman na. Di ko din kasi magagamit yung philhealth niya kasi member din ako eh.hayss! Any enlightenment po habang maaga pa. Salamat po sa mga sasagot!

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang gawin mo momsh, ipaupdate niyo account mo if kasal kayo ni hubby. Ako po kasi nagpa-dependent na lang sa account niya tutal siya yung may updated na hulog. Tagal din kasi di ko nahulugan yung sakin. Yun din po sinuggest ng taga-PhilHealth mismo samin para di daw po doble doble hulog naming mag-asawa. Sabihin niyo na lang din na currently unemployed ka at si hubby lang may work. Yung employment status ko kasi before self-employed/voluntary

Magbasa pa

Hello po Mamsh! suggest ko po na ipacheck nyo status ng Philhealth nyo sa pinakamalapit na Philhealth office.. kung Indigent ang Member Category, ibig sabihin po nun ay Gobyerno ang nagbabayad or nagsa subsidize ng contribution nyo.. Kailangan nyo lang po humingi sa knila ng Member Data Record, patunay na active at pdeng magamit sa panganganak.. Sana po ay nakatulong!😊🥰

Magbasa pa

Meron po sa youtube nood lang po kayo ang alam ko po dpat at least nakahulog ka ng 6 months. Asikasuhin mo rin sss mo pra makakuha ka benefits sayang rin po un malaking tulong rin po un

2y ago

Pwede mo pa sya mahabol mamsh. Dpat mkapag bayad ka one time ng 6 months po for voluntary

Kung kasal kayo pwede mo magamit yung sa asawa mo kahit member ka basta listed ka as dependent nya.

2y ago

Pero sabi mo unemployed ka po? Makikita naman nila po yun since di updated hulog mo. Magpa list ka po sa asawa mo as dependent nya para magamit mo