16 Replies
Depende mommy. Sa akin cord coil si baby. 3 cm palang ininduced na ako kasi mabilis na heartbeat nya at galaw nya less than 8 kicks nalang. Every hour monitor sa akin. Tagal nya padin bumaba. 24 hours ako nag labor. 9cm palang pinutok na waterbag ko. Ilang irehan din bago sya lumabas. Tapos hindi ako nagpapainless. Sobrang sakit pag induced juskopo.
Depende po mommy.. Cord coil dn ang lo ko pro 1 loop lose namn yung sakanya.. Kinakabahan dn aq nung time na un na baka ma cs aq pro na normal q nman sya.. Nkisama dn ang lo ko sakin.. More prayers n lng po mommy.. Nothing is imposible to do with God.
Nung BPS ko sabi ng sono hindi cord coil baby ko, pero nung pinanganak ko sya tru normal delivery sabi ng midwife cord coil daw sya. Di ko alam kung maniniwala ako. Pero kasi hirap ako i ire sya. Kung dipa diniinan tyan ko hindi pa lalabas baby ko...
Aq po cord coil si baby nung ipinanganak q..at umuurong tlga xa kc 4 am pumutok panubigan q.. Tpos 6 hours pa bgo lumabas si baby muntik na din aqng ma cs buti na lng mgaling ung doctor na ngpaanak sakin nai normal namin.
Depende pa din, baby ko cord coil din, and mataas pa kahit 6 cm na, nakaya naman inormal ni OB, although pinag antibiotics si baby just to be sure na okay siya, kasi suspected na baka nakakain na daw ng poops.
Depende sa sitwasyon momsh. Ako emergency cs nauwi kasi nagdrodrop ang heartbeat ni baby kada contract ng tiyan ko so nagmadali na OB ko na maoperahan ako. Turns out 2 tight cord coils si baby..
Dipende po, baby ko po cord coil oero normal padin. Dipende sa sitwasyon, nkisama naman po si baby then dalawang ire lang ng malakas lumabas na sya
It depends sa situation ng mommy at ng baby. Dr mo ang makakasagot nyan pag anjan kn sa sitwasyon. For most... Safety nyo ni baby ang priority.
Yes po. Na emergency cs ako kasi ayaw bumaba ni baby. Inavoid na ni OB makakain ng pupu si baby dahil due date ko na ayun na CS hehe
depende po ..peru sa kapatid ng hubby q na cs xa kasi umiikot dw ang baby pag iniere na ng mommy...