6 Replies
depende po kung sino ang magaling magbudget. kami nung nagstart kami, hiwalay finances namin. pero nakahalata si hubby na parang di sya nakakaipon, tapos ako nakakaipon kahit na almost the same lang naman range ng sweldo namin. so nagdecide sya na ako na pahawakin ng sweldo nya, humihingi na lang sya ng allowance nya. hindi naman sya nagsisi kasi kita nya naman na wais ako sa pera. hehe. kapag may gusto sya bilhin, dun sa allowance nya kinukuha. never kami nagaway sa pera. yun nga lang mas sumasakit ulo ko sa pagbabudget pero okay lang. I see to it naman na every month may savings kami.
Kami ng husband ko, never kami nag aaway sa pera kasi naghihiwalay kami ng ipon. Parehas din kami may work. May sari-sarili kaming personal bank account. Syempre maganda pa din yung may sarili kang pera para in case may gusto ako para sa sarili ko, nabibili ko ng walang guilt. Pero may joint account kami na every payout namin nilalagyan para sa funds ni baby and utilities. :)
Whatever works for you. Iba iba naman kasi depende sa agreement nyo ng asawa mo. For us, nasa akin ang pera. Ako nagbbudget, pinagkakatiwala nya sakin lahat. If he needs something he would tell me naman. Pag kaya ng budget go lang. He also lets me decide sa mga kailangang bilin sa bahay. Never naging issue samin na cya lang nagwowork at kumikita at ako ay SAHM.
maganda hiwalay po
Same lang po yan..
Same lang mamsh.