Tanong lang po mga mommy

Hello po ask ko lang po normal lang po ba na sumasakit ang tagiliran at likod pag buntis? 14 weeks pa lang po akong buntis, tsaka normal lang din po ba na laging sumasakit ang tyan na parang kinakabag. 1 st time mom po kase ako. Thank you po sa mga sasagot. Godbless ☺️?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi ng OB ko dati sis normal lang makaramdam ng sakit sa tagiliran at balakang pag buntis dahil daw yun sa growing fetus natin sa tummy (nagstretched daw ang muscles ng bahay bata kaya nasakit tagiliran at bumibigat ang fetus kaya nasakit ang balakang pwede ding posture mo sis baka di ka umuupo ng maayos 😅). Yung parang kabag naman dahil yan sa hyperacidity or pag aacid ng sikmura. Inom ka lang water bago ka kakain or mag skyflakes ka muna bago kain. Pakonti konting kain pero madalas muna gawin mo sis hanggang sa mabawasan or tuluyan na mawala pag aacid ng tyan mo.

Magbasa pa