superstitions belief

Hello po! Ask ko lang po meron po ba ditong nakaencounter na kada madaling araw may nag-aaway na pusa sa tapat ng bahay? Ako kasi nakakaencounter ngaun kada 2am or 3am may nag-aaway na pusa sa tapat ng bahay namin hindi na tuloy ako makatulog ulit tapos pag lumalabas ako ng bahay palaging nakatingin sakin ung mga pusa pero pag andun naman ako sa husband ko sa quezon city di naman kami nakakaencounter ng pusang nag-aaway dun kahit madami din pusa dun. I'm 16 weeks pregnant di ako masyado naniniwala sa superstitions pero nacucurious na po kasi ako kada madaling araw tlaga may nag-aaway na pusa walang palya un kaya nagigising ako ? dito lang samin samin sa calamba ko yun nararanasan..

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nasa samar province kami ngayon. And i have encountered such situation pero ginigising ko lng din partner ko and nagdadasal, 1 week akong nagigising every madaling araw with weird noises and one time while we were sleeping i felt something in my tummy scratching it and a finger trying to get inside my navel o pusod . My husband was awaken my sudden burst of crying. Weve noticed na one of our windows has a hole na. So what me and my partner did ay nilagyan nmin ng bala ang may butas na window na iyon then ive been sleeping so well na. Were moving to luzon end of 2019 and hoping wala na sanang mga weird things thatll happen. Just always pray and be with someone who will take extra care of you and your baby. GOD BLESS!

Magbasa pa
VIP Member

I don't believe in superstitious belief pero for your safety huwag ka nalang lumabas pag gabi na lalo na't mag isa ka lang. Pero don't think too much about dyan sa pusa na ng aaway sa labas ng bahay niyo. But, for your peace of mind gayahin mo nalang yung ginagawa ng iba - salt sa bintana at dahon ba yun or bunga ng pomelo. Paranoid ako nung 1st trimester ko pero mawawala rin yan and ma rerealize mong di nga talaga totoo yang mga aswang. Xx

Magbasa pa

ako din po. tuwing 2 hanggang 4:30 na po kung gising. nagbabantay ako mamaya kung ano na ih. 😅 pag naaalipungatan ako sa bubong my gumagapang ewan ko kung pusa pero ang bgat. tas pag gising na gising nako tsaka sila naghaharutan na parang pusa. buti nalang lagi akung my bantay na pusa sa tabi ko sya ang guardian ko hinahalikan nako sa ilong pag patak ng alas dos. 😊😻 - 7mons preggy 🤰

Magbasa pa

Dito sa.tapat ng pinto namin laging may mga pusa.kasi alam nilang nag tatapon kami sa kanal.namin.ng mga tinik kapag isda ulam para sakanila. The cute thing about it is that , kapag tinatawag ko sila tapos nag a-eye to eye kami kapag nag tatanong ako sakanila nag mmeow meow din sila. Hindi sila aalis hangga't hindi rin ako tumitigil sa pag ientertain sakanila. Hahaha. Baka nag kataon lang.

Magbasa pa

Ako sis ang dami pusa dito samin pero meron dito sa bandang garahe namin na laging naka stay kapag nagkatinginan kami talagang nakatitig din siya white na pusa yun.. sa madaling araw naman tahol ng tahol ang aso namin kase may pusa na nasa bubong namin sa bandang kwarto kopa na tinutulugan nag iingay ang pusa at yero.. katakot kapag ganun nadapa agad ako or nayakap sa bf ko..

Magbasa pa

Usually gabi madaming cats dito sa min trying to mate. Nakakatakot ang ingay, pero kasi yun female cats ang galit. Isipin mo na lang kasi, male cats have barbed penises...kahit sino maghuhurumentado sa pututuy na may kuko. 😂😂😂

Hi mommy normal po sa pusa yun. I have cats also madami. Tuwing madaling araw tlaga sila active at gising na gising. Nature tlaga nila yun. sa madaling araw nyo tlaga sila maririnig. Its normal po wala po kayo dapat ipag alala 😊

Sa akin nman ung di pa ako buntis dun ako nakatira sa bahay ng ate ko ...lagi kaming nakakarinig ng pusang nag aaway gabi gabi.. tapos sabi ng ate ko nako baka may mabubuntis totoo nga ilang araw buntis na pala ako😂😂

Nakakapagtaka lang po kasi ngayon lang sya nangyayari at sabi ng mga kapatid ko pag nandito lang daw ako pero pag wala naman daw ako walang nag-aaway na pusa yung isang pusa kasi dun sa nag-aaway kulay itim pa

Ganyan din ako nung pinagbubuntis ko si LO lagi kung maririnig mga pusa... natakot ako nung una pero nung mamasyal inlaws ko at kwenento ko natawa sila at sabi naghaharutan daw pag ganun...di sila nag aaway