1st Check Up

Hello po ask ko lang po kapag ba first check up need magpalaboratory at magpatransv? Thank you in advance ☺️#1stimemom #firstbaby #firstmom

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende po sa OB nyo at kung ilang weeks na po ba kayo? May ibang OB kung 4-5 weeks preggy ka palang di ka pa itatransv kasi masyado pang maaga para makita yung hb ni baby. Sayang lang if magpapatransv. Reresetahan ka lang ng pre-natal vitamins/folic or anumang meds na need mo depende sa nararamdaman mo. Pero kung nasa 6 weeks onwards ka na possible magrequest na i-tvs ka po para macheck ang fetal viability or hb ni baby. Pero recommended at least 7 weeks talaga ang first transv para mas malakas ng marinig ang hb ni Baby. Usually first pre natal visit wala namang laboratory lalo na if first trimester ka palang tsaka kung wala ka naman pong nararamdaman kakaiba like may kakaibang discharge or may sumasakit sayo. Mga ganun po. ☺️

Magbasa pa

Yung experience ko kase, 1 day delay lang ako ng mens ko nag PT agad ako e... tpos nag positive ung anim n PTs, then next day nag pa check up agad ako sa OB, Tinanong lang kung ano nararamdaman, kung may spotting ba any unusual discharge, sbe ko wla namn..parang normal naman lahat except sa parang masakit mga boobs ko ung parang parehas pag magkakaroon kana.. Pero aun as per OB 4weeks nkong buntis, nagreseta lang ng Folic Acid, and pinapabalik after 3weeks para isubmit ung labtest result na ipapagawa nya sau and transv result narin..

Magbasa pa

depende po sa OB, pag 4-5 weeks palng po at wla ka naman unusual n nararamdaman or spotting, bka resetahan ka lang muna ng Folic Acid and bibigyan kadin ng listahan ng ipapa lab test mo na kelangn mo matapos atleast a week bago ka ulit bumalik for second check up and transv.

Sa first checkup mo saka palng si Ob magbibigay sayo request for labs..pero uunahin niya irequest muna transV para makita muna development ni baby saka ka bibigyan ng vitamins at kung ok lahat sa unang transV saka ka niya bibigyan ng request for Labs

actually madalas required siya. para atleast malaman mo rin kung ilang weeks na si baby and due date if ever.

pa-checkup ka muna sa OB mommy. sila yung magdedecide kailan ka magpapalabs and transV.

bibigyan ka ng request ng transv wala pang lab yon

Depende sa OB po yan