SAP

Hello po ask ko lang. Pag po ba walang valid id hindi talaga mabibigyan ng Ayuda? Bali dito po kasi ako nakatira sa bf ko po, nabigyan po kami ng form pero yung kapatid po ng bf ko (single parent, sa catering lang din ang work) yung nag fill up kasi sya lang may available na valid id. Buntis po ako kaya umaasa po talaga ako na mabibigyan, ultrasound lang ang requirement na hiningi sakin pero nakakalungkot lang na hindi pala kami nakasama sa mabibigyan. Kasi wala daw valid id. Umaasa pa man din ako doon kasi naubos yung perang inipon namin ng bf ko dahil sa ecq tapos hindi pa sya nakakapasok sa trabaho nya. (Sa sari sari store lang po sya nagwowork tas umeextra minsan sa catering) kaya walang wala talaga kami ngayon at manganganak na ko ngayong May. Pampalit na rin sana sa nagastos namin na ipon yung SAP pero nganga lang din pala :(

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kami po ng jowa ko nailista sya wala sya valid or kahit anong id tnatanong nman yan pag ininterview n ng dswd e, sabi namin wla sya id kaya ang sabi e certificate nlng brgy. Na mismo magprovide ayun pmnta nlng sya nung pay out na nakakuha kmi ng 6500 kya ok lng kht wlang id.

Yes po, need ng valid ID and usually po talaga, sa isang bahay, isang tao lang nabibigyan unless nakaregister po kayo as nagrerent. Ganoon din po kasi nangyari sa amin dito.