Mga gamit na need

Hi po ask ko lang if ano po yung mga kailangan dalhin sa ospital pag manganganak na tulad po ng mga gamit ni baby at gamit ko po din po thank you po#1stimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

dipende pa rin kung may ipapadagdag or ipapaiba yung ospital/lying in na pag aanakan mo. you may ask them for the list naman para makaipon ka na rin. pero ito bigyan kita basic needs kasi ito rin usually pinapadala sa karamihan. for baby -alcohol 70% (either ethyl or isopropyl. multipurpose, pwede panlinis ng puson, disinfectant pag hahawakan si baby.) -baby oil -receiving blanket (preferebly may hood) 2-3 pcs. -cotton rolls/balls -diapers 5-8 pcs -bath towel -baby bath wash (kahit maliit lang muna) -lampin 6-10 pcs -distilled water 1 gallon -feeding bottle and breast pump (if in case hirap ka maglatch or prefer nyo mag formula milk during your stay) -3 to 5 sets of baby clothes (baruan with pajama/onesies/frogsuit, mittens, booties, bonnet) yes marami, di mo masasabi baka biglang magdumi si baby so maganda may reserve ka kesa wala. for mommy -important documents (medical records, government docus, marriage cert., ids, etc.) -3 sets of maternity clothing (either buttoned top and pajamas or dress. consider mo rin yung isusuot mo if magpapabreastfeed ka yung madali ibaba sa breast part) -socks 3 pairs -indoor slippers -adult diapers -maternity pads -underpads (tanong mo kung need mo pa magdala nito especially if sa lying in ka manganganak) -toiletries and body essentials (tooth paste, tooth brush, shampoo, soap, deodorant, tissue/wipes, etc.) -bath towel (di kayo pwede magshare ng towel ni baby) -pillow and blanket (kahit hindi require magdala ka na rin para sure ka na malinis at kumportable ka kasi baka kulang din yung unan sa pag aanakan mo) -snacks and drinks (bilhin nyo na ito kesa dun sa vicinity ng hospital mas mahal) -for your entertainment (cellphone, console, book, etc.) -make up (kung naglalagay ka. pero suggest ko during labor at delivery wag ka na maglagay papabura din sayo tsaka mahuhulas lang ๐Ÿ˜) suggestion ko, maliit lang muna dalhin mo para in case (di kasi ito maiiwasan, sadly) na hindi maibalik sayo yung gamit mo especially yung kay baby, hindi nakakahinayang. pwede rin naman naka depot para mas tipid. tapos lagyan mo ng label lahat ng items nyo para pwede mo mahingi pa. ilagay mo sa maliit na pouch or sa zip lock yung mga gamit para mas organize at madali mahanap. pag naglalabor ka na, di mo na rin maasikaso yan kasi. gawa ka pati ng check list ng lahat ng nasa bag mo para alam mo mga dala nyo. ayun lang. sana nakatulong ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa