CS ako in my 2 pregnancies. 1st born- EBF until bumalik ako sa work. 2nd born- after 1 month, mixed feeding. need ng formula kasi nahihinder ng medication ko ung fats sa breast milk ko. kaya hindi maka-gain ng weight masiado si baby. pero nag-gain naman. pinupush ni hubby ang breastfeeding kaya tuloy pa rin ako sa pagbreastfeed. until now na 20months si LO. we are living with my parents-in-law kaya malaki ang tulong namin. naka focus lang ako sa baby. talagang walang matinong tulog kapag newborn ang baby. magpapabago bago pa ang schedule ng tulog nia. 1week, mahaba ang tulog sa gabi. next week, gising nnman sa madaling araw. katulong ko si hubby sa madaling araw. salitan kami para makatulog ako. nagside lying breastfeeding ako, then sia taga burp. kapag hindi pa makatulog si baby at iyak ng iyak, salitan din kami kasi gusto ni baby na naglalakad ung nagbubuhat sa kania, hanggang sa makatulog sia. ahehe. to avoid risk of SIDS, patulugin si baby na walang unan sa ulo at tabi. flat lang ang likod nia. para kahit umikot ikot sia, walang unan na sasagabal sa kania. also, wag hayaan na matulog na nakadapa si baby.
Anonymous