Hello po, ask ko lang ba if faint line ba to or evap line (maglagay ako pic ng within 5 mins tapos after ilang days na)
10/29/24 8:30pm nagtest ako kasi dapat nung araw na yon ako rereglahin. May lumabas na faint lang within the time frame. So sabi ko magtest nalang ulit bukas para sure.
10/30/24, dinugo na ako, may regla na ako so inaasahan ko mga 5 days lang yon. Nagulat ako natapos agad regla ko ng 10/31/24
Naglagay ako ng napkin ng 11/01/24 pero wala na talaga kahit spot.
Sabi ng mga matatanda, baka daw bawas, paano po ba yong bawas? Di po kasi ako familiar. Balak ko po sana next week na ulit ako mag PT at natatakot ako pag araw araw alo nag ppt dahil nakunan na po ako ng last year.
Salamat po sa mga sasagot!