Ano pong dapat gawin?

Hello po! Ako po 3 months preggy ngayon. Kaninang umaga po pag gising ko may dugo sa underwear ko kaya pumunta agad ako sa OB ko. Ok naman si baby base sa ultrasound, walang problema. Tinanong ako ng OB ko kung anong trabaho ko, sabi ko ay bantay sa sari-sari store ko. Sabi nya kasi possible na natagtag kaya dinugo ako, wag daw ako tayo ng tayo, mas maganda kung nasa bahay lang daw ako nakaupo o nakahiga. Tinanong ko kung ilang araw dapat magrest ako, sabi nya hindi nya masasabi basta ay wag daw ako tayo ng tayo. Kasi kung sa store daw pag may bibili tatayo ako lalo na kung madaming nabili. Naisip ko tama nga kasi may bibili ngayon pagkatapos ay uupo na ako, di pa nag 1 minute ay may bibili na naman tatayo na naman ako, tapos upo tayo upo tayo na naman. First baby po namin after 2 yrs and 7 months na pagsasama at paghihintay kaya nangangamba ako baka anong mangyari kay baby, baka maselan ako magbuntis. Kaya lang po tindahan lang kasi ang pinagkakakitaan namin at 7500 lang ang sahod ni mister, bawas pamasahe baka 4k lang ang net nya. Ano po kayang magandang gawin? Salamat po.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

di ka pinagtake ng pampakapit sis? usually kasi magrereseta sila. tapos bed rest lalo na at dinugo ka. tama si ob sis wag ka masyadong galaw galaw at maselan yan kung dinugo ka. try mo hanap ng kasama magbantay na maag aabot ng mga paninda para di ka tayo ng tayo sis

3y ago

Iniisip ko nga po mag 2nd opinion sa ibang OB, o kaya sa next check up ko Oct na lang ako magpunta sa ibang OB.