Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Dreaming of becoming a parent
Umiinit sa puson
Meron po ba ditong nakakaramdam ng gaya sakin? umiinit ang puson ko. Yung parang maanghang. Bale may reseta sakin ang OB ko na pampakapit mula nung 5 weeks ko, 10 weeks ko ngayon pero last week lang 1 time at ngayong araw nararamdaman ko na parang umiinit puson ko. Pangalawang beses lang po ngayon.
Maselan magbuntis / Hagdan
Hello po. Maselan ako magbuntis at nag spotting ako, 8 weeks preggy. Pinag bed rest na ako ng OB 2 weeks, natapos ko na at ngayon panibagong 2 weeks ulit bed rest. Kaya lang sa ngayon eh need ko na bumalik sa office kasi may mga tataposin, 4th floor ang office namin, bale gagamit lang ako nag hagdan pagpasok at paglabas, so twice a day. Plano ko mag file ng sickness sa SSS pero habang di pa nakakapag file kasi wala yung HR kaya papasok muna ako siguro 2 weeks. May naka experience na po ba ng ganitong situation sa inyo? Nagwoworry din kasi ako
Spotting 2 times
Dinugo na naman po ako ngayong madaling araw pag gising ko at iihi. Kahapon ng umaga dinugo din ako. Nagpunta na ako sa OB ko wala naman syang nakitang problema base sa ultrasound ni baby, hindi nya rin ako niresetahan ng gamot. Mag 2nd opinion po kaya ako sa ibang OB?
Dinugo po ako
12 weeks preggy ako now. Pag gising ko may dugo ang panty ko pero di naman madami, paghugas ko meron dugo na buo maliit lang, yung parang regla na namuo. Pupunta ako now sa OB ko. Sana safe si baby.
Ganito po ba talaga?
2 months and 10 weeks na po akong buntis. Yung mister ko umalis 1 week ago na at maghahanap ng work doon sa province nila, naiwan ako dito sa province ko. Mula noon mag-isa lang ako dito sa maliit na tindahan ko, minsan nakatingin lang ako sa labas tapos bigla na lang akong iiyak. Maya maya lang akong naiyak. Minsan nararamdaman ko pa ang lungkot. Tinatamad ako gumalaw, tinatamad ako kumain, ayoko kumain ng kanin. Tapos ngayon lang 1 week na ng umalis sya, gusto ko lang naman syang makausap pero umalis sya nagpunta ng mall kasama ang mga kapatid nya at di man lang nagchat kung aalis na ba o nakarating na sila. Nagalit ako, kung anu-ano na pinagsasabi ko, sya ganun din. Inaaway nya din ako. Iyak na naman ako ng iyak.
Gamot sa ubo
Nagpareseta na ako ng gamot kasi naubo ako, cefalexin at citirizine, nawala after 1 week at naubos na din ang gamot pero bumalik din agad. Ayoko na sana magtake ulit ng gamot kasi natatakot na ako. Ano po kaya ang mabisang gawin para mawala ang ubo ko? Wala naman pong plema na nalabas.