Tagiliran

Hello po. 38 weeks and 6 days na po ako. Normal lang po ba na naglalakad lakad sumasakit yung tagiliran ko at yung tyan ko naninigas tapos minsan parang may lalabas na ihi anytime kasi parang yung pantog ko at pwerta parang tinutusok na ewan. di ko po maexplain. ano po meaning nun?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes momshie it's normal po lalo na malapit ka na manganak but anytime pwede nakapag yung sakit at paghihilab ay sunod sunod na po like 5-10 mins lang ang interval, pwede pong naglalabor na kayo nun. Much better po consult your OB nadin if ever sunod sunod na yung kirot at hilab ng tiyan mo po. Kasi ako dapat for check up lang nun kaso nung naramdaman ko ng sunod sunod na ung sakit at hilab kada 5 minuto, dumiretso na kami ni hubby sa lying in nun kahit di ko pa due date. Nanganak po ako November 5 pero due date ko November 22 Naglalabor na pala ako nun hehehe. Minsan kasi may mga babae na mataas ang pain tolerance. Akala nila ung simpleng sakit at hilab ehh okay lang pero dahil nga mataas ung pain tolerance nila, di nila alam na naglalabor na pala sila nun kaya much better po na pakiramdaman mo ung sarili mo momshie, may iba kasi na kapag pumutok na kagad yung panubigan lalabas na kagad yung baby, may iba naman natatagalan pa, kaya iba iba po talaga. Ung sa eldest ko po pagputok ng panubigan ko saka palang kami bumyahe papuntang ospital, di na ko umabot sa ospital kaya sa lying in clinic na nadaanan namin nalang ako nanganak, wala pa pong isang oras yun nung nanganak ako simula ng pumutok nun panubigan ko. And sa second baby ko naman, nung pakiramdam kong naglalabor na ko dumiretso na kagad kami sa lying in clinic at dun na ko nag stay hanggang sa pumutok na dun panubigan ko and after 40 mins nanganak na ko. Kaya kapag pakiramdam mo po manganganak ka, mag ready na po kayo at i ready nadin gamit mo at gamit po ni baby para diretso alis na po kagad kayo nun. I hope it helps po! ♥

Magbasa pa

Ganyan din aq ilang araw before aq manganak momshie.. Normal lng po yn lalo n sa inio n anytime pde na mangank masikip n kc ang ginagalwan ni baby s loob nio momshie kya kada galw nia ndi n comfortable s inio lalo n ung s bandang puson na akala mo lagi kang maiihi naitutulak nia kc ung pantog mo kya prang akla mo naiihi k lagi

Magbasa pa