Kelan Bumalik yung Sagana sa Pagkaen?

Hello po. 1st time mom po ako since 7 weeks po nawalan po ako ng gana sa pagkaen. Halos lahat sinusuka ko makakaen lang ako. Ngayon po nasa 15 weeks na po ako. pero wala padin po ako hilig sa pagkaen lalo na sa ulam at kanin. Pero di ko na po siya sinusuka. Hirap padin po ako makakaen ng kahit anong ulam :( Please help po. any suggestion po kusa po bang bumalik yung Sagana niyo sa pagkaen or nmy need po gawin?. Pag tinitignan ko po ksi yung pagkaen diko po talaga kaya kainin yung mga inaayawan ko noon, till now ganun padin. or baka po takot lang ako ulit kainin dahil sa experience ko po dati. #advicepls #pleasehelp #lossofappetite

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

6months na ako ngayon.. Ganyan din po ako, I lost 7kg sa first 3months ko dahil wala ako gana kumain lahat sinusuka more on quaker oat, fita biscuits at sinaing na hilaw na saging kinakain ko (more on bland flavor) at iwas sa kahit anong amoy kasi nattriger ako sumuka. Baka kulang po kayo sa Vitamin B po? I tried B complex medyo nag improve siya. Nung 4months nagstop yung pagsusuka ko at sa breakfast medyo nakakabawi na ako sa kain, after lunch wala nanaman gana until dinner ayoko sa kahit anong ulam so yung kinakain ko every dinner quaker oats na may gatas. Nung 5months na ON and OFF yung appetite ko, hindi ko pinipilit sarili ko kumain kasi na trauma ako baka sumuka. Inaantay ko lumamig yung pagkain before ako kumain kasi hindi ko talaga gusto amoy ng ulam. Ngayon 6months magana na ako kumain as in ako nalang nagpipigil baka kac lumaki ako. May times pa rin na wala ako gana at pagtingin ko sa food iniisip ko AYOKO YAN pero once matikman na nasasarapan na ako feeling ko dahil natrauma ako nung 1st trimester na suka ng suka. Just make sure normal ang timbang mo at ni baby.

Magbasa pa
3y ago

naku hindi po healthy yung parang hihimatayin ka or nanlalamig it could be low blood sugar kasi wala kang kain. trauma din po ako pero tikim pa rin kahit 1slice ayun ok nman pala dahil po kasi sa hormomes kayo tayo ganito, kusa po babalik yung appetite sa 2nd trimester