Kailan mawawala ang morning sickness?

Hello po. 11 weeks pregnant na po ako. Sobrang hirap na po ng kalagayan ko. Masakit po ang ulo ko palagi, sumasakit nadin ngipin ko at buong magdamag akong nasusuka, di nakakakain ng maayos, masakit nadin ang lalamunan ko gawa ng pagsusuka Kailan po ba nawala or nag subside man lang ang morning sickness nyo? . #pleasehelp #firstbaby

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

9weeks ung sakin ngaun. Subrang hirap po talaga d ako mkakain ng maayos. Hirap din po ako sa pag 2log.parang ang hina ng katawan ko. Milo lang ang gusto ko at skyflakes. Minsan naman tinapay lang. 😢😢Pero laban lang po tayo😥 #my1stbaby❤️

ako 12weeks na malapit narin makaraos sa 1strimester, grabe sobrang silan ko sa mga food morning sickness pero kinaya ko kasi need po natin may laman ng pgkain tyan natin para makapag take ng vit... para kay baby Laban mga momshie🥰🥰

Ganyan din ako nung first trimester. Nawala lang siya nung malapit na ko mag second trimester. Pero ngayon 22 weeks na ko may pasulpot sulpot na headache pero bihira nalang. Ito mga gamit ko pag masakit ulo ko baka makatulong 😊

Post reply image

ganyan din ako nung 1st trimester. Grabe kahit Favorite food ko hndi ko makain. Kahit anong kainin ko isusuka ko. Palagi masama pakiramdam. After 13 weeks okay naman na. now na 3rd tri na puro naman katakawan 😂

11 weeks and 3 days na sakin, sobrang hirap palaging nasusuka palagi din sumasakit ang sikmura ko madalas umiiyak nalang ako kasi Yung nagugutom ako pero ayaw tanggapin nang katawan ko yung pagkain

kapag mag 2nd to 3rdtrimester na tayo mawawala narin yan IFY tlaga Bawi tayo ng kain kapag di na tayo magsusuka,,, Sobrang hirap din ng sitwasyon ko di makakain ng maayos pero tiis2x lng

VIP Member

depende po mommy kasi di naman pare pareho ang pagbubuntis natin. pero sakin nun pagka 12 weeks ko wala na ako masyadong nararamdamang morning sickness. kung meron man bihira nalang

5 months po nung mawala morning sickness ko. Ganyan din ako nung una super hirap. Kaya yan mommy. God bless

VIP Member

Usually po it takes up to 3 months po mommy. Pagpasok mo ng 2nd trimester okay ka na nyan.

Pag tapos ka na po sa 1st trimester (1 to 3 months)