Sino may kilalang Nagrerecover ng Deleted Voice Records?

Please tulungan niyo ako. Dinelete ng asawa ko lahat ng records ko ng mga pagwawala niya at away namin. Nandun lahat ng evidence ko ng mga pagwawala niya nang di niya ako baliktarin kapag nagkalechehan na kami. Pati mga record na pinagmumumura niya ako. Na pokpok daw ako. Na sana mamatay na lang ako at makunan ako. Please. Gusto ko masigurado na akin ang anak ko kapag di na talaga magwork ang marraige namin. Willing ako masira phone ko marecover lang lahat. Pati mga paid seminars ko sa pag aaral ko, mga lessons ko pinagdedelete niya na importante sa board exam ko. Tangina. Ang sarap sumuko pero lalo ako nag iinit ang dugo para ipaglaban ang anak ko. Hindi pwedeng mapasakanya anak ko. Gusto niya ko makunan, ngayon kayang kaya niyang kanya ang anak namin dahil daw siya may trabaho, ako nag aaral pa.

Sino may kilalang Nagrerecover ng Deleted Voice Records?
8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa batas po ntn sa mother po custody ng baby kapag below 7 yrs old, except if mapatunayan ng asawa po ninyo na incapable po kayo maging ina which I believe is impossible kc kahit papaano alam ko po na kaya mo yan momsh, you still have your family. Wala po laban asawa po ninyo. I know mahirap po pinagdadaanan ninyo pero kaya mo yan momsh. Kung maarami po magpapatunay na inaabuso kayo verbally ng asawa ninyo, wag nyo n po alalahanin mga recordings po ninyo. Malakas prn po laban ninyo. You can also ask IT experts if you can recover your files. God bless momsh. Kaya mo po yan, iwas stress po muna para okey dn c baby 😊😊😊. You can actually sue your husband sa mga pinanggagawa niya sayo. Patulong po kayo sa barangay or you can consult a lawyer.

Magbasa pa

No need my dear! Sa batas,sa nanay ang bata. Kahit nag-aaral ka pa. Ngayon palang hiwalayan mo na 'yang ugok na 'yan...at next time...send mo sa messenger mo ung mga recorded voice and videos para kahit burahin niya..may copy ka p rin.

sayo naman talaga ang anak mo mommy. ikaw ang ina at ikaw ang may custody. below 7 years old po sa mommy ang custody. so why worry kung alam mong wala ka ginawa masama ?

Marerecover pa po yun. Kaso malaki po babayaran nyo sa magrerecover nun. Punta po kayo sa mall marami nag aayos ng ganan dun.

may paraan pa momi kahit na delete niya yan at pwede pa rin ma recover yan. patingin mo sa taga ayus yung phone mo

Try mo sa Trash Bin if ever meron man yung phone mo. Usually makikita yan sa gallery ng phone

kung sa SD card po nakasave may app po para marecover yan,

VIP Member

Sa mga IT experts po mommy.