Pinapagamit nyo ba ng internet ang mga anak nyo? Tulad sa youtube may mga movies and cartoons na very interesting sa mga kids

56 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nung 23mos yung baby ko napadalas ang pagpapagamit namin ng phone sa kanya para hindi sya umiyak o magtopak at para may magawa akong chores pero nung isang beses na kinuha ko yung phone sa kanya eh nagwala talaga sya at ang hirap pakalmahin at patahanin, mula nung oras na yun nagdesisyon kami na never na namin sya pagagamitin ng phone. sobrang challenging kasi pati kami damay at hindi kami pwede magphone sa harap nya pero maganda ang outcome kasi mas maraming bonding/interaction. nakakapag phone lang kami pag tulog na sya. sinubukan namin 1 day gang sa naging 1 week gang sa 1 month na sya hindi nagpphone. sa ngayon minsan minsan pinapahiram namin sya pero after 30 mins kukuhain na ulit, madalas before 30 mins isosoli na ni baby phone samin or iiwan nalang nya at maglalaro. masaya kami na naging ganun sya :)

Magbasa pa