do you advice pacifier for baby keeps on sucking?

Pinapacifier nyo ba ang baby nyo? Pinatry ko kc c baby ko kc grabe magsuck ng kamay nya at 3 months & 20 days old na sya the problem is parang may mali sa pacifier ng Avent everytime gamit nya yun namumula ang nostrils nya kc tumatama & sa chin ni baby tapus parang nahaharangan ang nostrils ni baby baka hindi maka hinga.

do you advice pacifier for baby keeps on sucking?
62 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa 2kids ko nag pacifier Sila,ok naman tubo ng teeth ng panganay ko. Yung bunso ko ngayon nagpapacifier din pampatulog niya,grabe kasi maglaway pag Sina suck niya kamay niya. Tingin ko depende sa pag gamit yan iwas SIDS pa nga daw Ang pacifier. Yan po experience ko depende parin po sa inyo Kung Anu paniniwalaan niyo at kung Anu sa tingin mo Ang best sa baby mo. Sabi nga nila mother's always knows best.

Magbasa pa

Yes mommy! Nagpa-pacifier din si LO ko. 3months na sya. Since weeks pa lang pinagamit ko na kasi mas mabilis sya makatulog at hanggang ngayon hinahanap hnap nya. 1 time bumili ako ng ibang brand ksi nacute-an ako s design at mas maliit sya. Pero ayun nasayang lng ksi di nya gusto. 😂 nabura na ung design ng gngmit nya ngayon pero d prn nya binibitawan. 😍

Magbasa pa

I'm a NICU nurse and as per doctors advise.pacifiers are not recommended due to possibility of baby being choked while using it or being able to swallow it causing blockage on throat and/or difficulty of breathing since it may and will also block the babies nose.ty have a great day❤️✌️

Di ko po pinagamit ng pacifier baby ko, sinasaway ko din siya nung nagsusubo siya ng daliri. Share ko lang po, mga pinsan at kapatid ko kasi nag-thumbsucking, ending hanggang ngayon nagta-thumbsuck pa din LOL. 20yrs pinsan ko (sabi ng tito ko, tuwing gabi daw ginagawa), 9yrs isa at 10yrs old kapatid ko at ang pangit ng formation ng teeth nila hehe

Magbasa pa

Ok po ang pacifier. Pero sanayin niyo lang po to sooth the baby, not always ang pag gamit. Like of example para makuha niya tulog niya, or sobra iyak niya. After na niya makatulog, tanggalin niyo na po para di xa kabagin. Then try to look for smaller design ng pacifier pra di tumatama sa ilong and chin ni baby

Magbasa pa

nag try din ako mag pacifier kase buong kamay din nya sinusubo nya saka laway sya ng laway kaso kapag sinusubo ko sa kanya lagi na niluluwa napapagod na ako kakalagay kaya hindi ko na pinagamit sa baby ko.. lagi ko nalang tinatanggal kamay nya sa bibig nya saka sinisiguro ko malinis ang kamay nya

5y ago

ako din niluluwa ni baby ang pacifier nia hahaha...

ako din po mag 4months ko sya magpacifier lakas nya kase maglaway, tulo ng tulo. halos buong kamay sinusubo nya. then nung ngstart na ng pacifier baby, nkkatulog sya agad at hindi na malakas magtulo ng laway. pero sabi ng iba papangit dw po tubo ng ngipin.

VIP Member

ayaw ng pedia ni lo na mag pacifier siya,pero sa sobrang hirap ko dahil yung boobs ko ginagawa niyang pacifier sinubukan ko siya bilhan pero hindi din niya gusto tinutulak niya ng dila kahit tulog na siya gigising para hanapin yung dede😅

5y ago

oo nga sis si lo kahit tulog na tulog na gigising at gigising kapag naramdaman na di na dede nasa bibig niya nakaka dalawang brand na ako ng pacifier talagang ayaw niya😅😅

babyflo pacifier ginamit ng twin ko wala nmn naging problema sa teeth nila basta ititigil na pag nag umpisa na tumubo ang teeth. May pag aaral din na ang paggamit ng baby ng pacifier ay nakakaiwas sa s.i.ds

days pa lang gumagamit na nang pacifier c LO ko...gusto kasi laging dumedede kahit wala na sa oras eh.. till now 7 months na xa, she's still using pacifier. babyflo na brand lang gamit nya momsh 😁