RANDOM TALK

Pinakamagandang nangyari saakin ngayong year 2021 ay ang mabiyayaan ulit nang panibagong sanggol at habang buhay kong ipagpapasalamat sa diyos ito. A very big blessing that I have received before 2021 ends fully. 6years old na ang panganay ko at noon paman di kami gumagamit ng mga birth controls dahil mahilig kami ng asawa ko sa baby, kaso hindi mabiyayaan. Napressure ako pag sinasabi ng mga taong, mabuti daw at nagcocontrol ako di nasusundan LO ko, hindi nila alam ay mahirap ako magbuntis kahit palagian pang magtry. πŸ˜” Until May 2021, sabi ng Mister ko "Sana magkababy na ulit tayo, kahit yun na birthday gift ni God sakin ngayong June" at dinagdagan pa ng firstborn namin na hingi ng hingi ng kapatid, kinakausap si God lagi sa prayers or randomly, lalo na pag nagsisimba kami. Tapos June 2, supposed menstrual period ko, hindi ako dinatnan. Kinabahan ako pero ayoko umasa, sabi ko paabutin ko muna ng 1 month pa. Pero June 17 bday ng asawa ko at fathers day pa, so June 15 tinry ko bumili ng PT, first take, 2 lines pero medyo malabo, second try, 2 lines at napakaclear na. Napakasaya ko! Lalo na nang asawa at anak namin nong binigay ko sa kanya as a gift on his birthday before bedtime! 😍😁 Kaya naman talagang #TAPpyholidays2021 ngayon para saamin! πŸ₯°πŸ₯³ #TAPpyHolidays2021

RANDOM TALK
 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply