kinakabahan po ako
pede poba manganak nang hindi hinihiwa pepe if normal. tska ano pong pede nyo bigay tips para manganak ng normal hindi cs? thanks po
Pwede yon momsh basta hindi malaki si baby. Baby ko kasi malaki pasaway kasi ako nung nagbubuntis kain ng kain ng sweets tas anlakas pa sa kanin🤣 ayon hiwa tuloy hanggang pwet. Pero if mahiwaan ka naman di mo na yon mararamdaman kasi iisipin mo nalang gusto mo na malabas si baby. Be brave lang momsh. Godbless po😊
Magbasa pasa eldest ko po may hiwa ako sa second ko meron din kc malaki cya masyado 4kls cya nung ilabas ko 1week na masakit pa rin yong tahi ko pero sa 3rd ko wala ng hiwa medyo maliit cya kesa sa 2nd ko hopefully sa 4th ko wala nalang din hiwa...
Yes mommy ☺️ may mga nanganganak na hindi na kailangan hiwaan. Depende iyon sa lagay nio ng baby kung walang komplikasyon ang pagbubuntis pwede itong mag normal delivery. Ang mahalaga safe kayo ni baby sa delivery mo ☺️ goodluck
Yes po momshie, ako sa dalawa kong anak hindi nahiwa pempem ko kasi isang iri ko lang nalabas na agad si baby at sana etong pang third baby ko is ganun din sana ako kadaling manganak..
ako sadjan maliit ang opening ko,kaya lahit maliit si baby nahiwaan talaga ko,dipende mo sa anatomical structure po,pero magheal naman yan and babalik sa normal size after birth,
Depende po kasi yan lalo na at malaki si baby tapos kailangan po kayo hiwaan.. walking, squat po and pray na mainormal nyo po. Good luck po, have a safe delivery soon! 💖
Lakasan mo loob mo,isipin mo kya nga ng iba ikaw pa,pray ka lang na ma normal panganganak mo,at iba kc tlga kpag actual n mismo,basta ma expwrience mo rin yan😅😊
If maliit lang si baby kaya naman, . Eat healthy po, walk a lot kapag lapit na due, bantayan ang bp. Pag walang complications normal din naman po ipupush ng ob nio
Pwede naman po kapag maliit lng si baby. Advice ko sis for normal delivery wag masyado palakihin si baby sa tyan, always eat healthy and excercise everyday.
napanood ko kusa nmn nag sstrech ang vigina kpag nanganganak pero saatin dto pag nakita na ung ulo ng baby hinihiwa na.. basta malaki si baby.
Got a bun in the oven