BAKIT PAYAT ANG ANAK KO??

Payo Ni Dr. Willie Ong Para sa mga magulang, ang mga anak natin ay may panahon na walang ganang kumain. Ayon sa mga pediatricians, ang edad 2 hanggang 5 ay mga taon na pihikan kumain ang bata. Pag-tungtong sa edad 5 ay gagana na sila kumain. Alam n’yo ba na ang peanut butter at full cream milk ay ginagamit na lunas sa mga malnourished na bata sa Africa? Masustansya ito. Sa pagbili ng pagkain, hanapin ang may tatak na “Sangkap Pinoy” “fortified foods” at “vitamin-enriched.” Tingnan din natin ang inyong lahi. Kung ang mga magulang ng bata ay payat, puwedeng namana niya ito. Kung ang magulang naman ay mataba, siguradong matataba din ang mga anak. Mana mana po iyan. Isa pa ring dahilan ng pagkapayat ay ang bulate sa tiyan? Madalas ba sumakit ang tiyan ng bata o dili kaya ay dumumi na siya na may kasamang bulate? Alam n’yo ba na 5 sa 10 Pilipino ay may bulate sa tiyan! Grabe talaga ang problemang ito. Ang gagawin ng doktor ay ipapa-check and dumi sa laboratoryo. Kung positibo, papainumin ng pampapurga. Para makaiwas sa bulate, ugaliing maghugas maigi ng kamay bago at pagkatapos kumain. Gupitan ng maikli ang kuko ng bata. Hugasan din mabuti ang mga pagkaing hilaw, lalo na ang gulay at prutas para di magkabulate. Ano ba ang mabilis magpataba? Siyempre, mataas sa calories ang ice cream, cake, icing, gatas at chocolate. Sa mga kantina, hinihikayat na magtinda ng masustansyang puto, bibingka at suman para tumaba ang mga bata. Isa pa, huwag hayaang kumain ng junk foods o sitsirya ang bata. Maganda ding isama ang anak sa hapag kainan para masanay kumain. Paano naman ang mga sinasabing tabletang pampagana? Alam n’yo, maraming pediatricians ang hindi naniniwala sa mga pampaganang gamot. Ngunit, kung gusto ng bitamina para sa payat na bata, puwede naman. Ang vitamin B complex ay nakapagpapagana sa ating pagkain, bata man o matanda. Ito ang tinatawag na anti-stress vitamin. At huli sa lahat, huwag kalimutan ang mga bakuna ng ating anak. Ito po ay hindi dagdag gastos lamang, kundi isang mabisang proteksyon sa pagkakasakit.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thanks s info