It's Payday Friday again for us which means araw na naman ng pag-budget. Let's admit it, isa ito sa pinaka-challenging na task para sa mga Nanay. Maswerte na tayo kapag sakto sa kelangan natin yung sinweldo natin or ni husband for a certain cut off, ee kaso madalas, kulang pa, kaya pa'no pa tayo makakapag-save, 'di ba?
There's a certain formula na inaadvise ng mga financial advisors which is yung "Income - Savings = Expenses". It's difficult kasi nga like what I have mentioned earlier, minsan, kulang pa yung combined household income natin sa mga pangangailangan natin, but if you really want it, you'll have to find ways to make it work. It can be an automatic payroll deduction na mapupunta sa Time Deposit, you can sign up for a Stock Purchase program, you can even get an insurance that includes savings. It doesn't matter however you do it as long as you make it work, kasi when time comes na matanda na tayo, tayo rin naman ang kawawa or if not, yung mga anak natin kung lagi nating inuubos sa expenses yung income natin ngayon. I learned this the hard way.
How about you? How do you make your budgeting?