ano po maganda milk or vitamins na pasok sa budget yung nakakataba kay baby 15days old

payat po kasi si baby , 2.6 lang po kasi nung inanak ko sya ..ngayun gusto namin na tumaba sya kasi payat po talaga sya ,matakaw naman po sya magdede ,pero parang di sya tumataba sa milk nya..bona po milk nya ngayun,,nung una po nestogen kaso nagtatae po sya dun mayat maya sya tumatae ng may kasama tubig.. 15days old po sya today ... ano po pwede nyo irecommend mga mommy salamat po ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

ano po maganda milk or vitamins na pasok sa budget  yung nakakataba kay baby 15days old
75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

BREASTMILK lang mamsh. Baby ko nun 2.5kls lang pinanganak pero nung 2 months sya naging 6kls agad.

2.2kgs lang po baby ko nung nilabas ko pero ngaun 7kls na siya 5 1/2 mos. Pure breastfeed

Nan optipro milk ng baby ko. 2.7kgs lang.xa nung pinanganak naging 4.7kgs after 6 weeks

Mommy, mas okay parin po ang breastmilk. Tataba din yan si baby, wag nyo po madaliin.

2.5 po sa akin breastfeed lng po ako. Tapos Three months na ngayon 7 kilo na po sya

Breastfeed ka po mommy. 2.9 baby ko nung pag labas, ngayon 4.6 na sya, 1 month old.

4y ago

Same 2.9 kilo din si baby ko 2days old palang

Bakit mommy di mo sya brenestfeed.??? Yun po need ni baby hindi ibang milk

VIP Member

Breastmilk po. Kung di.kaya ng breastmilk mag premium milk po dapat kayo.

Breast milk nakakataba Ng baby. Siksik pa ung taba nya Di tabang hanging

Breastmilk momsh akin 2.8kg lumabas turning 5 weeks nasa 3.7kg na sya.

Related Articles