Hirap sa pagdumi si misis

patulong naman po if meron kayo mga suggestions para makadumi si misis ko, 5months na syang buntis . mga 3 days na syang di nakakadumi , ( pasintabi po sa mga nakain )

46 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pag di effective ang yakult or yogurt.. bili kayo ng lemon... one thin slice lang ilagay sa one liter na water... yun lang inomin nya sa whole day gang maubos or one or two thin slices lagyan ng warm water, drink one or two cups sa isang araw... makakapopo na sya nyan... wag lang gawing everyday.. gawin lang ito kung constipated sya

Magbasa pa

Naku. Sama sa pakiramdam nyan.. Ganyan din ako nung preggy pako sa mga anak ko. Dalawang beses ako nagka ganyan doble hirap pa kasi mai hemoroid pako.. Advice ko lang as per my ob sa una. Kain ng papaya na hinog.. Increase fiber rich foods tapos water intake din. 10-12 glasses of water..

VIP Member

More water and fiber in take. At probiotics like yakult. Pero mas recommended ko ang DELIGHT kasi with fiber na sya. Yan yung iniinom ko everyday kasi constipated din ako, but now normal naman na yung bowel movement ko.

5y ago

Maximum 3 or 4 days din po. Tapos nag everyday na ako ng delight. Unang beses ko pa lang uminom tapos nag poop na agad ako that day. Kaya inaaraw araw ko sya

Prune juice lang po ipainom nyo kay misis. Very effective po yan dahil yung tatlong kawork ko hirap din sila makadumi at yan lang ininom nila. Safe naman po yan. Saka lots of tubig and food na rich in fiber po.

Pakainin mo po ng foods that are rich in fiber like pineapple and oatmeal. Then be sure more than 2L of water po naiinom niya everyday. Also maglakad lakad din po siya kht sa loob lang ng bahay.

Suppository ( Dolculax) yan kasi nirecita ng doctor ko. O much better mag ask nalang po kayo sa doctor niyo para recitahan kayo ng pampadumi. Yan kasi binigay sa akin nong nahirapan akong dumumi.

5y ago

Same po tayo sis. Kahapon lng ginamit ko yang suppository walang 1 min nadumi na agad ako . Hindi siya nireseta sakin ng Ob since walang check up . Nagsearch lang ako .

more on water and fruits po everyday.. ganyan din nangyari skin last few weeks, at tsaka nagka hemorrhoid pa ako.. kaya kumakain na ako ng fruits.. ngayon ok na pag.poop ko at daily na

Wife ko pineapple chunks kinakain pag di sya mapoop..like ngayon kahapon pa sya di nagpoop kanina lunch kumain sya pineapple chunks ayun minutes lang napoop na sya😉😉

Pineapple Juice Fiber Enriched (Aid to Digestion) saka po prunes yan po ung advice ng OB ko. Ganyan din kasi nun, 3days halos di madumi, tapos pag dudumi na hirap sobra.

Try nyo po kumain ng oatmeal every morning... Yan din po problem q eh 7 week preggy aq.. pero kpg kumakain aq ng oatmeal mga 30 mins lng ma ccr na ko.. try nyo lng po