Mga dapat gawin kapag tinutubuan ng ngipin ang sanggol

Patulong naman po. Ano ang mga dapat gawin kapag tinutubuan ng ngipin ang sanggol?

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ayon sa Healthy Children, ang baby ang tutubuan ng ngipin pagtungtong ng six months hanggang 12 months. Ngunit hindi ito pare-parehas at may mga batang tinutubuan ng mas maaga o mas late. Kadalasan, ang mga ngipin sa harapan o incisors ang unang tutubo. Kung ang iyong baby ay nasa 6-7 months na, maaaring magsimula na ang pagngingipin niya. Kung siya ay laging naglalaway, may sinat, namamaga ang mga gums o gilagid, o laging nangangagat, hudyat ito na nagsisimula na siyang tubuan ng ngipin. Maari itong magtagal ng ilang linggo. Sa panahong ito, mapapansin niyo ang kakaiba sa kilos ni baby. Mahihirapan syang makatulog, laging umiiyak, at mawawalan ng gana sa pagkain. Ano nga ba ang maaaring gawin tuwing nag-ngingipin si baby? 1. Malamig na pacifier Dahil masakit ang pagngingipin, makakatulong ang pagbibigay kay baby ng malamig na pacifier o teether. Linisin, ilagay sa ref, at ipakagat kay baby. Maiibsan nito ang sakit ng pagngingipin. 2. Hayaaang mangagat si baby Sa panahong ito, laging naghahanap ng makakagat si baby. Makakatulong ang teether o di kaya'y malinis na bimpo. Siguraduhin lamang na malinis ang inilalagay niya sa bibig niya. 3. Massage para kay baby Maaari ring masahehin ang gilagid ni baby upang maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Maghugas ng kamay ng mabuti at siguraduhing hindi matulis ang iyong kuko upang hindi masugatan si baby.

Magbasa pa

Hello po mga mommies ung baby ko po 9 months nilalagnat taas baba ung temp nya pinahilot ko po sabi nung naghilot may pilay tyaka baka sinasabayan daw ng pagtubo ng ngipin ung poop nya mdyo basa dn pero dumedede namn sya sa akin at kumakain pa rn ng mga solid foods,pinapainom ko na sya ng tempra bale 3 days na sya ganyan tpos 2 days walang ligo mayat maya ko pa pinupunasan

Magbasa pa

..pdE magtanonG ksi mamaga gums ng baby qo sa ibaba tpos pangil tumutulo dko alam gagawin q ayaw nya mag milk palagi umiiyak na hNd namAn dati ganato..tpos ayaw mag milk tlga pero kumakahin ng kanin at palagi gsto water minta ayaw dn ng water..madalang lang mapadede as in madalang pero dati sobra takaw..anu gagawin kopo

Magbasa pa

MgA momshie baby ko 6mos old nangangat siya at nag lalaway at nagtatae...hindi naman siya iyakin..yong popo lang nya kasi naalarma ako medyo parang sipon siya na pula pula..mga momshie kayo ano kulay ng popo ng baby nyo pag nag iipin na..tnx po sa mkatulong..godbless us po at sa mga baby natin..

Super Mum

You can apply teething gels mommy. Yung pedia ni baby, noong first time na mag eerupt na yung tooth nya pina checkup namin. Yung teething gels and teether pwedeng ilagay sa ref. Pinainom din sya ng paracetamol before para marelieve ang pain at fever nya.

Super Mum

lagi linisan ang kamay at mga bagay na pwede nya isubo. bigyan si baby ng chilled teethe or kahit chilled face towel para masoothe ang gums

hello po ask lang po ako si baby po kasi may puti ang gums tapos laging parang may nginunguya nagpapangipin po ba sya?☺

Normal ba na taas baba lagnat ng baby? Nangingipin xa sa front teeth nia. Minsan mawawala lagnat

totoo po ba mga mommies na bawal pakainin ng prutas ang baby kapag nag ngingipin?

Normal ba ang lagnatin at ubuhin pag nag ngingipin ang baby