LACTATING MOM on 200B Social Amelioration Program

Pasok po kaya ang LAHAT ng padede mommies? Ang tanging makasasagot po niyan ay ang ating DSWD, sa pakikipag ugnayan po ng ating lokal na baranggay. Sa ngayon, wala pa namang ibinibigay na form kaya naghihintay pa tayo. Pero bago po tayo umasa na kasama ang mga lactating moms or mga nagpapadede, ito po ang opinion ko ukol dito: *ang benepisyaryo ay nagpapasuso ng SANGGOL (sa pagkakaalam ko, ang sanggol ay edad 6 na buwan pababa) Bakit po sanggol lang? Kasi wala pa silang kakayanang kumain ng solid food (kanin at ulam) at direktang naka-asa lang sa nanay kung kaya si nanay ay dapat manatiling busog at malusog. Samantalang ang mga batang nasa 'toddler age' na ay may kakayanan ng kumain ng solid food at secondary o complementary need na lang nila ang breastmilk. *hihingin ang birth certificate Bakit? Ito po ay magpapatunay na ikaw ang ina ng sanggol at ito rin ang basehan ng edad ng anak mo. Muli po, hintayin ang pagbabahay-bahay ng baranggay officials para sa SAC form na ating sasagutan. Tanging sila lang po ang may authority at sapat na kaalaman upang malaman natin kung pasok nga ba tayo. Ctto: TheNiceMom

LACTATING MOM on 200B Social Amelioration Program
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thank u for this po.