5th Pregnancy

PASAGOT NAMAN PO AKO MGA MI, PLEASE. Sa mga Mommies po na meron ng 5 or more na mga Anak. TOTOO PO BA NA HNDI NA KAGAYA OR HIGHRISK NADAW PO TALAGA KUNG MAGKAKA ANAK KA 5 or MORE? MERON DIN PO BA DITO NA 25+ years Old na meron ng 5 babies? Pashare nsman po kung ano mga naranasan nyo nung time manganganak na kayo. THANKYOU PO. #respect_post

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

37 ako nanganak sa 3rd baby ko last jan. Ang sabi sa akin noon magpacheck up ako sa Lying in n high risk na ang edad ko. Marami din ako nararamdam na laging masakit ang likod ko,nilalamig at ayaw naggagalaw galaw. magbedrest din ako kc ngbleed ako kaya pinayuhan ako na hnd muna ako magbubuhat ng mabigat.Sa case ko nahirapan ako kc mahigit 1 yr old palang ang 2nd baby ko ng magbuntis ako sa pang 3rd baby ko.

Magbasa pa

ako 35 yrs old na pang apat na pagbubuntis 37 weeks and 5 days now, mag 7 yrs old na bunso ko.ngayon ko lang naranasans mag low lying at sobrang hirap magbuntis ung mga nara2mdaman ko now Hindi kagaya Nung dati Ang hirap na ngaun siguro dahil sa edad na Rin masakit mga buto buto ko Lalo sa tuhod at mga daliri sa kamay na di ko nman naranasans sa tatlong pagbubuntis ko .

Magbasa pa

For me lahat ng pregnancy ke first mo man or hnd is risky. Kaya nga dapt make sure na mahpacheckup at sumunod sa OB. But siguru khit mayaman kmi ayoko na mag anak ng madami. sa panahon kasi now mahal ng bilihin, Ung time mo sa kids nahahati. I dont know, its just for me. So if 3 na mahigit anak mo high risk na tlaga yan. Sa OB ko dpt daw ligate na eh

Magbasa pa
VIP Member

pang 5th pregnancy ko na , 28yrs. old na ko at 35weeks na ko bukas .. nakunan ako noon sa 2nd pregnancy , so pang 4th baby ko ito ngayon .. masasabi ko lang bawat pregnancy ko is magkakaiba at pahirap sila ng pahirap mula sa morning sickness hanggang sa ganito na 3rd trimester na sumasakit mga bones ko at hirap magkilos kilos ..

Magbasa pa
TapFluencer

1st time mom pero napagaralan ko po nung college. High risk ang 3 or more pregnancy, age more than 35yrs, Pregnancy below 25yrs old. May HighBlood and Thyroid problem. Pag po pang 4th na ung pregnancy hindi na po yan pinapasok sa mga lying in sa big hospitals na po since high risk na po.

Kung gusto niyo po makasigurado momsh magpa-alaga po kayo sa OB bago magbuntis,reresetahan po kayo ng vitamins pero pag 30+ na tlgang high risk na sya. Atsaka pass muna po sa 5 anak,maawa po kayo sa katawan niyo.

27 yrs old. pang 5th preg. kabwanan ko na din. ibang iba pakiramdam ko ngaun sa panglima. grabe hirap. dami masakit. na dko naramdaman noon sa 1st-4rth pregnancy ko

39 yrs old pang 4th pregnancy, ang masakit lang nman is yung buto buto ko, tuhod at likod ko, dahil sa edad ko cguro hehe. pero other than that okay naman.

Considered high risk kasi posible na yung lining ng matres mo e manipis na. Prone to bleeding ka nadin pag nanganak. Ayan kasi case ko. Mom of 4 at 32

Ang alam ko po pag nasa 33 years old pataas na yung considered ng mga hospital as high risk pregnancy.

2y ago

Pwede pa naman po kasi talaga magbuntis kahit high risk malaki nga lang chance na ma CS. Pero depende parin sa condition ng nanay