My partner and I discovered that I am 6 weeks pregnant last month. Out of wedlock btw. We are 11 years together and both of us is 26yo. Kasal na lang talaga ang hinihintay ng lahat nung hindi pa nila alam na we are expecting na. We have stable jobs din naman kasi.
To cut the long story short, hindi pa tanggap ng mother ko ang situation ko. My hubby is a seaman. Kakaalis niya lang din last Thursday. Nalaman namin na buntis ako ay may schedule na siya ng pag alis. Ayoko sana pero kailangan naming paghandaan ang future.
So here goes my Mom. I know she is not yet ready to have a pregnant daughter, masyadong mabilis ang mga pangyayari for her. As a churchgoer and typical probinsyana, lagi ding sinasabi ni partner at ng older brother na intindihin na lang si Mommy pag pinapagalitan ako pero this morning, iba na kasi.
Parang sobra na siya. Alam ko naman na kami ni hubby ang nagkulang at nagkamali pero yung iyak ko hindi ko na mapigilan. Ung bigat ng dibdib at sama ng loob ko sa kanya, sobra sobra na. Kaya eto, kulong na lang ako sa kwarto hanggang ngayon. Hindi naman masyadong maselan pagbubuntis ko, iniisip ko na lang na magfocus na lang ako sa pagaalaga kay baby inside my womb at to focus on my career. I am planning na lang na magrender ng overtime every other day para balance pa rin ang rest and at the same time, makaiwas sa Mom ko.
I know this is wrong but as of this moment, that is the only way I could think of para makaiwas sa stress. Ayokong makaapekto to kay baby. Yun lang. Gusto ko lang mailabas to.
Rheanne Guanlao