Stressor

My partner and I discovered that I am 6 weeks pregnant last month. Out of wedlock btw. We are 11 years together and both of us is 26yo. Kasal na lang talaga ang hinihintay ng lahat nung hindi pa nila alam na we are expecting na. We have stable jobs din naman kasi. To cut the long story short, hindi pa tanggap ng mother ko ang situation ko. My hubby is a seaman. Kakaalis niya lang din last Thursday. Nalaman namin na buntis ako ay may schedule na siya ng pag alis. Ayoko sana pero kailangan naming paghandaan ang future. So here goes my Mom. I know she is not yet ready to have a pregnant daughter, masyadong mabilis ang mga pangyayari for her. As a churchgoer and typical probinsyana, lagi ding sinasabi ni partner at ng older brother na intindihin na lang si Mommy pag pinapagalitan ako pero this morning, iba na kasi. Parang sobra na siya. Alam ko naman na kami ni hubby ang nagkulang at nagkamali pero yung iyak ko hindi ko na mapigilan. Ung bigat ng dibdib at sama ng loob ko sa kanya, sobra sobra na. Kaya eto, kulong na lang ako sa kwarto hanggang ngayon. Hindi naman masyadong maselan pagbubuntis ko, iniisip ko na lang na magfocus na lang ako sa pagaalaga kay baby inside my womb at to focus on my career. I am planning na lang na magrender ng overtime every other day para balance pa rin ang rest and at the same time, makaiwas sa Mom ko. I know this is wrong but as of this moment, that is the only way I could think of para makaiwas sa stress. Ayokong makaapekto to kay baby. Yun lang. Gusto ko lang mailabas to.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag ganyang situation wala tayong ibang magagawa kundi magpray na sana iopen ni Lord ang mind ni mommy para maintindihan yung situation nyo. Tutal anjan na yan at di naman kasalanan ni baby. If ever planuhin nyo na din asap yung kasal nyo. In my case, napanatag parents ko nung mangako na ng kasal partner ko and pumunta parents nya sa bahay namin. Although ang usapan namin is focus muna kay baby at after nalang manganak ang kasal.

Magbasa pa
5y ago

God Bless you too. ❤

Baka naman mas lalo kang mastress sa pag-oovertime. Times two po ang pagod kapag buntis. Better siguro kausapin mo na rin yung mom mo, she will understand you naman. Feel ko naman nagiguilty rin yung mommy mo na naiistress ka dahil sa kanya kasi alam niya yan na hindi ka pwedeng mastress eh. Siguro hinihintay niya na lang din na kausapin mo siya. Heart to heart talk lang kayo. 😊😊😊❤️❤️❤️

Magbasa pa
5y ago

Thank you. 🥰❤❤❤

Pray kanlang sis na maiintidhan ng mom mo. Atsaka 26 kana haler

5y ago

Yan ang mahirap, concerned sa sasabihin ng ibang tao. Dami ko kilala na ganyan nasisiraan lang sila or yung family nila sa ganyang mindset. Oh, well...

in God's time sis 🙏

5y ago

I hope so. Thank you sis.