May pnuemonia si baby

May pareho po bang case sa baby ko 9 days old palang sya...wala akong nakitang sintomas sa kanya, pero sa xray nakitaan sya na may pnuemonia ang left lung niya...subrang lungkot ko ngayon dahil simula nang nanganak ako via cs hindi pa kami nakauwi ng bahay...bigla nalang akong iiyak sa sitwasyon ni baby ngayon..

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hugs mii kaya yan ni baby mo gagaling din siya at makakauwi ng bahay🙏 same case sa amin.. na CS din ako.. ok si baby paglabas very healthy.. pero habang inoobserbahan sa nursery mabilis daw ang paghinga.. agad nila chineck lahat pati pinabloodtest.. lumalabas na nagka Neonatal sepsis ang baby ko at nagkaron ng onting complication sa lungs nauwi sa pneumonia... na NICU baby ko for 1week for observation and antibiotics... nakakaiyak kasi naaawa ako sa baby ko nun gusto ko na siya mahawakan at maiuwi na sa bahay pero hindi pa pwede.. may separation anxiety ako nun at nadischarge na kahit naiwan si baby sa hospital.. 24hrs palang after ko ma CS nakakalakad na agad ako para makapunta kay baby at mapa breastfeed siya.. tapos everyday kami napunta sa hosp. para mapasusu ko si baby kahit ang hirap kumilos para yun kay baby.. bukod sa nakakaawa ang e mahal ang NICU pero ok lang atleast naagapan at naligtas baby ko.. eto na siya ngayon 20months old na napakadaldal at bibo baby.. kaya mi.. tulad ng baby ko.. kaya yan ng baby mo... pray ka lang palagi🙏

Magbasa pa

nagkaron din po pneumonia baby ko last week at exactly 1 month old nya po, Hindi po sya inexray pero pinakinggan lang po lungs nya sabe ng pedia madami daw po plema si baby, pinaconfine po sya sa ospital pero tumanggi ako,naghome medication nalang po sya which kailangan talagang tutok ka sa pagpapainom kay baby ng gamot at dapat walang mamiss. So far tapos na ang gamutan ni baby for 10 days at ok na po siya, Hindi na sya inuubo at sinisipon.

Magbasa pa

Hi, cs mom here. NaDiagnose ang baby ko ng neonatal pneumonia. Nilagay siya sa ventilator at nag antibiotics. 1 week siya bago na discharge sa hospital. Yes, nakakaiyak po mahiwalay at makita sa ganung situation ang ating mga baby, but we have to be strong. Para magamot at gumaling sila. All we can do is pray.

Magbasa pa

😭😭sakin din 22days old...kala ko ok na siya...yon pala may oneumonia buti nalang pina xray ko...kung hindi baka pagsisihan ko😔

ano po sintomas pneumonia?