HELP PLEASE

Parang puputok na mga ugat ko sa ulo sa twing sumasakit ngipin ko mga momsh , im currently 23 weeks pregnant and everytime na sasakit ngipin ko parang may kuryenteng tumutusok sa gitna ng ngipin ko. May nakalabas na kasing laman. Napaka sakit halos dko na masara ang bibig ko at tulo laway na ako sa sakit. Naaawa na ako kay baby parang nagiging vitamins na namin yung biogesic. Lagi akong nag mumumog ng rock salt with warm water. Nilagyan ko narin ng fresh garlic. Naitanong ko na rin sa ob ko pero wala man lang nasabing maganda wala man lang remedy. Help mga momsh #1stimemom #advicepls

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try nyo po toothache drops. Punta na dn po kayo dentist. Kasi po if need na bunutin yan mas okay po na within 2nd trimester ng pregnancy. Pag lumagpas na po, wala po kau iba mggwa kundi mag tiis talaga. Tska po instead na ilagay nyo po directly sa infected na ngipin ung garlic mas okay kainin nyo nalang po. Make sure po na durugin muna para lumabas po ung allicin which is ung natural antibiotic ng garlic. Ganyan dn po kasi nangyari sakin and sobrang effective po ng pagkain ko ng garlic. Twice a day lang po. No need nguyain basta durog na pwede mo na po sya lunukin and drink water nalang. Hope it helps po.

Magbasa pa
4y ago

6x4 24weeks. Mag 6mos

VIP Member

Mamsh same tayo super sakit din ng ngipin ko as in lalo na pag humihiga palagi akong walang tulog sakit sa ulo, tinga, mata, leeg lahat na :( Try mumug bactidol mamsh nag work sakin it would help temporary remedy atleast ma feel natin yung feeling na walang sakit na iniinda paminsan minsan 😊

kakapabunot ko lang po ngipin last monday. safe naman po magpabunot sa preggy lalo na kung hindi na po kaya ang pain. kasi mas makakasama po ang stress kay baby. pumayag naman OB ko. ngayon ok na po ako. wala na ko iniinda.

4y ago

hi po sis tanong ko lang after mo makapag pabunot may ininom ka pa bang ibang meds. para sa ngipin ?

Ganyan rin ako mommy noong mga nakaraang buwan, ginawa ko hindi ako pumapalya sa pag inom nang calcium at 2x a day ako umiinom nang gatas. Awa nang Diyos almost a month na din na hindi sumasakit ngipin ko.

VIP Member

Try po magcheck sa dentist mamsh. Ganyan rin sakin before sobrang sakit. May binigay silang mouthwash, nakalimutan ko lang yung brand and natapon ko na rin yung bottle pero effective po.

ganyan po talaga. kailangan tiisin kase bawal uminom ng mefenamic. :( kaya dapat lagi kayo umiinom ng calciumade

VIP Member

Mommy better consult dentist po, Inform mo lang na buntis ka. Alam ko yung feeling na masakit ang ngipin.

VIP Member

Magmomog ka lng po maligamgam na tubig na may asin and 3x a day toothbrush

Pakicheck-up ka sa dental momsh..