SMOKER

Para po sa mga expert mommies, specially sa mga cigarette smoker. Anu ano po ba ang mga bad effects ng paninigarilyo habang buntis? meron po ba dito na kagaya ko naninigarilyo parin kahit buntis na? I am 12weeks pregnant. Napakarami ng times akong nag attempt mag stop, d ko na mabilang pero laging failed. kahit ngayon pong buntis ako, hirap na hirap akong iwasan ang paninigarilyo. I need advices. Gusto ko rin po sana malaman mga epekto ng gingawa ko. gaano po ba makakasama sa bata ang paninigarilyo ng buntis na nanay. Salamat po sa mga sasagot.

70 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lahat po pwedeng maapektuhan sa bata even yung itsura nya. Pwede siyang magka physical defects. Magpatulong po kayo sa partner ninyo or parents para d na po kayo magsmoke

ganyan din ako noon, hindi ko alam na preggy na ako. ang lakas kopa din mag chainsmoke, matitigil mo yan mommy, isipin mo para sa baby. masasanay ka rin na wala yan

Isipin mo na lang na kada hithit mo ng sigarilyo lason iyon para sa baby mo. At kung itutuloy mo pa ang paninigarilyo, dahan dahan nyang ikamamatay yan. God bless.

ako nung nalaman kong buntis ako naalis ko agad, nag try pa ako ng isa pero di ko kaya, kasi nakokonsensya ako .. isipin mo lang si baby

Ako po nag yoyosi pero ngaun na buntis ako natigil kupo yan kase kusa kupong naayawan masama rin po yan pwede pong maging premature daw yung baby

everytime hihithit ka, isipin mo na pinipiga yung umbilical cord ng baby mo at di sya makahinga. smoking lowers the oxygen supply of your baby.

STOP mo na yan Mahirap Pero kayanin mo ako Malakas ako manigarilyo Pero nung nalaman ko buntis ako talaga pinilit kong Tigil para sa Babyko

Much better kong mag-candy ka muna mommy kasi napaka-dangerous ng smoking sa baby. It may cause defects at pwede makakuha ng sakit si baby

Smoking limits nutrient absorption pati na din ang pagdaloy mg oxygen kay baby, Mommy. Please try your hardest to quit while pregnant.

mas better magstop ka na. para di po magsisi sa huli ako rin po smoker ako almost 10 years na. pero dahil sa anak ko kaya natitigil ko

Related Articles