TEAM SEPTEMBER TO AUGUST

Pansin ko lang halos yung mga ka same EDD ko for september gave birth this august, ang aaga manganak napepressure tuloy ako. Kamusta ang Team September dyan ano ano na po ang nararamdaman nyo at ano ano ang mga ginagawa nyo na para makapanganak na ☺️ #teamseptember

61 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

39 weeks and 4 days, No sign of labor din :( due date ko na sa Sept. 3, I do more exercise na 1 hr walking sa umaga at hapon with 30 squats still wala pa din. Sobrang galaw pa din ni baby. Ang laki na nya e. Ayaw kong ma CS walang budget :( First time mom here.

4y ago

Na kaka stress na nga mga momsh kakaisip e haha. Napapagod at tinatamad na nga ako mag exercise 😅, kinakausap ko na sya na lumabas na 😅 ang laki na din kasi nya 3.6 na timbang nya based sa last ultrasound ko nung August 19, tapos nung August 25 sinukat tyan ko 33 inch na sya. Nag woworry ako baka lalo syang lumaki at mahirapan akong ilabas 😔 pero kumaka-faith parin ako na maiinormal ko sya 🙏 Good luck po sa atin lahat na malapit na. Sana this week makapanganak na.