fake or not?
Pano po malaman kung fake o hindi yung cetaphil based sa picture? May nagbebenta po kasi saken sa fb 190 lang yung baby lotion tas 180 lang yung baby wash
Mas okay.padin na huwag tayo makimura o minsan maganda din magduda sa presyo๐ mas okay.padun na bumili tayo sa mga legit na store.
Hawakan niyo po yung bar code kung di po ba siya plain. Parang na fefeel mo yung barcode. Pero pag plain lang po, peke po yun.
Fake yan mamsh ang mura eh much better sa mercury ka nalang po bumili. Ako sa mercury po ako bumibili para safe sa skin ng anak ko.
Fake po yan sis. Don't risk your baby po para lang makamura. Meron din naman mga budget friendly na pwedeng mabili sa market.
original cetaphil cost P500 sa Rose Pharmacy. nung bumili ako.. mamshie wag nio nalang po yan gmitin baka may effect kay baby..
Mahal ang cetaphil na orig.. Nkkta nman ntin yan sa mga groceries o mall. Pnakamaliit nga nya 100 or 200 plus na eh yan pa kaya..
mahirap po talagang bumili online ng mga ganyang products. Kahit minsan sabihin pang sale. Better buy nalang sa mga supermarkets
much better kung sa botika ka na lang po bumili..at least yun safe..like yung binibilhan ko ng cetaphil sa mercury drug
Fake po. Ang cetaphil na orig mommy sa mallas at mga drugstore binebenta. Wag po kayo bibioi ng basta basta na ganyang item.
Bka class a mommy. Mga usually galing sa singpore. Mas maigi n po sa legit stores kyo bumili like sm, watsons, mercury po..