baby
pano po malalaman kung may kabag si baby at ano po dapat gawin kapag meron sya kabag? 2weeks old po baby ko
Kapag kabagin si baby, mainam na padighayin siya sa kalagitnaan ng pagsuso o pagkatapos niyang sumuso. Makakatulong din na gawin ang i love you massage at bicycle exercise para maalis ang hangin sa tiyan niya. Hangga't maaari, iwasan ang paggamit ng manzanilla dahil masyado itong matapang sa balat ng bata. Gumamit ng baby oil o virgin coconut oil imbes na manzanilla. I love you massage at bicycle exercise din ang ginagawa kapag hindi dumudumi si baby.
Magbasa paPitiin mo ng marahan ung tiyan nya pg tunog parang tambol may kabag cya.massage mo lang ng calm timies ng marahan sa tiyan nya at likod.mabisa yan saglit lang uutot n c baby #lovelove
Padighayin nyo po sis.. may mga vids sa youtube ng mga ways and positions para mapadighay si baby... ako po sasandal ako sa sofa tapos idadapa ko sya sakin
rest time po nireseta ng pedia ni baby for kabag