6d eyebrow microblading and eyelashes perming

Pangit na pangit na ko sa sarili ko mga mamsh. Turning 8 months pregnant this month at super haggard na ko, ang taba ko na at andami ko pang stretchmarks umabot hanggang binti. huhu. Naging insecure na ako at nawalan na ako ng confidence. Gusto ko sanang magpasalon hehe. Pwede ba magp6d eyebrow microblading and eyelashes perming ang buntis??? Thanks sa mga sasagot.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same here.. Pangit na pangit ako sa sarili ko ngayon 😢 from a petite and young-looking woman, muka na kong losyang ngayon on my 33rd week of pregnancy.. Kahit pano gumagaan pakiramdam ko pag sinasabihan ako ng asawa ko na maganda pa rin ako and tutulungan nya kong bumalik sa dati once na makaraos na sa panganganak.. Kaya konting tiis na lang momsh, hehe, balik-alindog ulit tayo pag pwede na..

Magbasa pa

Same here Mamsh, from payat ang chubby ko na and may stretch marks din, puro malalaking damit suot ko para di maipit si baby so nakakapangit tlaga tignan currently at week 37 konting tiis na lang talaga, buti na lang support lang si partner ko siya pa mismo nagsabi na paglabas na lang ni baby ang balik indog hehe tiis na lang mamsh💪💪💪

Magbasa pa

Konting panahon nalang naman po hihintayin niyo,. Pwede naman po after nalang manganak. Di kasi pwede due to chemicals baka mapaano si baby. Ganyan po talaga magbuntis kailangan magtiis 😅 Better safe than sorry po.

Pag may chemical na gamit wag muna mamsh. I feel you pero tinitiis ko lang for my babys sake. Saka nlang ulit tayo magpapabeauty pag labas nila. 😁😁😁 My iba cguro ginagawa nila un pero ako big no mahirap na

Ako din mamsh. Dati di ako makaalis ng walang make up ngayon ayaw ko na kasi ang dry ko tignan e feel ko sobrang pangit ko na.

4y ago

Hala same 😔